Bago pa man sumikat bilang vlogger, naranasan na rin ni Zeinab Harake ang pumila sa mga audition para mabigyan ng break sa showbiz.
Sa kaniyang kuwento sa You Tube vlog ni Luis Manzano, ibinahagi ni Zeinab na hindi raw niya inaasahan na sisikat sa vlogging at showbiz ang kaniyang magiging landas bagama't pinag-aartista raw siya noon talaga ng kaniyang nanay.
Kasama nga sa kaniyang sinubukan ang mag-audition sa Pinoy Big Brother o PBB, ang sikat na reality game show ng ABS-CBN kung saan nagsimula ang ilang sikat na artista ngayon.
"Pumila ako sa PBB sa MOA before. Pero parang three days 'yung pila du'n. One day ako nag-antay tapos wala pa kami dun sa kalahati. So umalis na ako, hindi ko na tinuloy," kuwento ni Zeinab.
"Sobra talaga at totoo 'yung pila. Nakakaloka. Ikot ka ng buong MOA (Mall of Asia)," wika pa nito.
Maliban sa pag-a-audition, minsan na rin daw siyang gumanap bilang extra sa episode ng 'Maalaala Mo Kaya' ni Charo Santos-Concio kung saan bida ang Kapamilya aktres na si Maja Salvador.
"Nakapag-ekstra pa ako…MMK. Parang si Maja Salvador ang inekstrahan ko tapos ang kaeksena dun si Ella Cruz 'yung batang Maja Salvador. Parang ganun," patuloy na kuwento ni Zeinab kay Luis.
"Tapos runner lang ako du'n. Buong araw nagtatatakbo lang ako du'n. Extra days. Pero batang-bata pa ako. Mga 9 or 10," bahagi pa ng sikat na You Tuber.
Naikuwento rin ni Zeinab kung paano siya nagsimulang sumikat noon sa social media.
Ayon sa kaniya, nagsimula ito sa mga larawan niyang madalas gawing profile pictures ng mga lalaki sa Facebook. Naipo-post din umano ang kaniyang litrato sa mga pages na nagpi-feature ng magagandang babae tulad ng 'Ideal Girls' at 'Beautiful Filipinas'.
Marami pang ibinahagi si Zeinab tungkol sa kaniyang naging karanasan bago nakilala bilang isa sa pinakasikat na influencer at content creator sa You Tube.
Panoorin ang buong tsikahan nila ni Luis Manzano:
No comments:
Post a Comment