5 Steps For Intervening As A Bystander When You See Attacks
Kapag naharap sa isang sitwasyon kung saan nangangailan kang pumagitna sa isang tao na nasa panganib, ano ang iyong gagawin bilang bystander? Simula nu'ng kabataan pa natin ay palagi na tayong tinuturuan na magbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan. Ngunit, palagi rin tayong binabalaan tungkol sa stranger danger at tinuruan na iwasan o kung p'wede ay huwag kumausap o makipag-interact sa mga taong 'di natin kilala. Kapag pinili mong hindi gumalaw at walang gawin bilang bystander, ibig ba sabihin nito ay malaya ka sa kasalanan o responsibilidad?

Sa bansang Pilipinas, mayroong mga batas kagaya ng Republic Act No. 11313 o mas kilala bilang Safe Spaces Act or Bawal Bastos Law, ang mga naipatupad upang pigilan ang kahit anong klaseng uri ng gender-based harassment at violence na ginagawa sa pampublikong lugar, mga eskwelahan o mga similar na institusyon, sa trabaho, at sakop na rin pati ang online space. Ang tungkulin ng isang bystander ay matagal nang nakikita bilang kumplikadong ethical dilemma at tema ng madaming pananaliksik at debate. Maliban sa pag-iisip ng kaligtasan ng sarili at ng biktima, importante rin itong intindihin sa mas malawak na konteksto kung saan ang ganitong gawi ay maaaring iugnay sa "bystander effect." Ito ay isang social phenomenon kung saan pakiramdam nila ay hindi sila gaanong responsable dahil sa dami ng taong nasa paligid nila. Sa gayon ay mas malabo rin na sila ay pumagitna sa isang tao na maaaring nasa masamang sitwasyon. Hindi dapat hinahayaang ganito na lang palagi dahil mayroon pa ring mga gender-based violence sa kasalukuyan. May kapangyarihan ang pagsasalita ukol dito para sa pagbabago ng lipunan.
Laging tandaan na suriing maigi ang sitwasyon. Kung ang panghihimasok ba rito ay nakadudulot ng mas maraming pinsala kaysa kabutihan, kung mayroong bang armas na hawak ang suspek, at kung kailan nga ba ang tamang oras na pumagitna. Ang kaligtasan mo, ang biktima, at mga tao sa paligid ang mga dapat isipin na prayoridad. Kung ikaw ay hindi sure o kaya'y wala talagang alam kung ano ang dapat gawin, aralin ang 5Ds ng bystander intervention: Direct, Distract, Delegate, Document, at Delay.
DIRECT
Sa pamamagitan ng malakas at matatag na pananalita sa biktima o sa suspek ay maaaring made-escalate ang sitwasyon. Ngunit may pagkadelikado ang ganitong klaseng pagsagot sa isang problema dahil maaaring maisip na isa itong nakaka-trigger na komprontasyon at mabaling pa sa iyo ang galit. Ipagpatuloy ay pagiging maingat at bumuo ng mabilis ngunit masusing pagsusuri.
Para sa suspek: Hoy! Anong ginagawa mo?? Layuan mo siya!
Para sa target: Uy, okay ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?
DISTRACT
Ang distraction o paglito sa mga taong nasa sitwasyon ay isang subtle na paraan upang pumagitna. Maaaring ito'y sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang simpleng pag-uusap o subtle na kilos pero sa totoo ay sinusubukan mong ihiwalay ang biktima. Mas epektibo pa ito kung iiwasang pag-usapan ang anumang kaugnayan sa posibleng nangyayaring harassment.
"P'wede ba humingi ng tulong paano pumunta sa pinakamalapit na LRT station?"
O 'di naman kaya ay magkunwaring mauntog sa kanila o kaya may matapon na inumin sa kanila.
DELEGATE
Maaaring pumagitna ang isang bystander sa paghingi ng tulong sa ibang tao na baka sakaling mas may kakayahang aksyunan ang sitwasyon. Hindi naman ibig sabihin nito ay pinapasa mo ang responsibilidad sa iba dahil humingi ka ng tulong at inilagay siya sa ganitong posisyon. P'wede kayong magtulungan upang magkaroon ng karagdagang suporta at kaalaman. P'wede namang ang isa sa inyo ay maging taga-tawag ng awtoridad sa eksena habang sinusubukan mong gawing mas mahinahon ang sitwasyon.
DOCUMENT
Maraming magandang naidudulot ang modernong teknolohiya. Sa panahon ngayon na lahat ay mas mabilis dahil sa ating smartphones, mayroon tayong oportunidad na hindi lamang mag-search sa Google o makipag-chat sa ating mga kaibigan kundi pati na rin ang pagkuha ng mga larawan sa isang pindot lang. Ang pagdo-document ng mapanganib na sitwasyon sa pamamaraan ng picture, bidyo, at audio na maaaring ipakitang bilang ebidensya. Ngunit kailangan din natin maging maingat at ipaalam sa biktima na mayroon kang hawak na ganitong klaseng dokumentasyon at magkaroon kayo ng kasunduan kung saan lang ito dapat gawin.
DELAY
Isa sa mga huling methods ng bystander intervention ay pagtapos na ang nangyaring sitwasyon. Importanteng malaman na hindi dahil tapos na ang nangyari ay tapos na rin ang nararamdaman ng biktima. Ang iba't ibang klase ng harassment at violence na naranasan ng isa ay mayroong epekto o naiwang trauma sa pamumuhay ng tao. Sa mga simpleng pag-follow-up o pagsuri sa kalagayan ng biktima ay maaaring makatulong sa kalooban niya dahil nararamdaman nilang nakikita sila.
Okay ka lang ba?
Nakita ko ang nangyari. I am so sorry, hindi 'yun okay. May kailangan ka ba? Ano ang maitutulong ko?
Ang patuloy na pag-aaral tungkol sa mga tema ng sexual at gender-based violence, simula sa pag-intindi sa problema at pag-isip ng mga paraan para lutasin ito, ay nakakatulong sa pag-unawa at pagkatuto kung ano ang tamang proseso na dapat sundan.
No comments:
Post a Comment