Pagkalipas ng 23 taon sa ABS-CBN News, magpapaalam na sa network ang beterang broadcast journalist at kasalukuyang executive editor na si Lynda Jumilla.
Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Jumilla, na head din ng ABS-CBN News Digital at dating chief of news reporters na nakatuon sa hardcore politics.
"Hello, Twitter friends! Sharing this bit of info with you as the years winds down to a close," saad niya sa caption ng statement na ibinahagi niya kasama ang hashtags na #JournalistForLife at #ForeverKapamilya.

Sa pahayag ni Jumilla, sinabi nito na kasabay ng pagtatapos ng taon ay magtatapos na rin ang kanyang panunungkulan sa ABS-CBN, ang itinuring niyang tahanan sa loob ng mahigit dalawang dekada.
"I am leaving ABS-CBN at the end of the year, after 23 years in this place I call home with people I call family. I am deeply grateful for your trust, support, and understanding through the good and bad, joy and heartache, success and failure," aniya.
"Change notwithstanding, these remain constant: I am a journalist for life and forever Kapamilya," pagpapatuloy ng veteran reporter.

Sa isang Twitter reply, nilinaw ni Jumilla na ang dahilan ng kanyang pamamaalam sa network ay ang pakiramdam na kailangan na niyang ituon ang pansin sa kanyang personal na buhay.
"P.S. To those asking, I'm not going anywhere. After 35 years in media, it's time to be able to do mom things, wife things, home things, me things without having to worry about work things," saad niya.

Samantala, pinasalamatan ni Jumilla sa isang separate tweet ang mga taong nag-reply sa kanyang announcement.
"Thank you, everyone! I want to respond to all of you but Elon might think I'm spamming and kick me out of Twitter," biro niya.
"Leaving is always difficult no matter the reason or circumstance, but your appreciation and well-wishes make it a lot bearable," pagpapatuloy ng mamamahayag.
No comments:
Post a Comment