DavaoPlus

Friday, 30 December 2022

[New post] Ai Ai Delas Alas, ibinuking ang isang ‘Starstruck alumnus’ na madalas nale-late sa set

Site logo image Richard De Leon posted: "Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa social media at mundo ng showbiz ang mga artistang "uma-attitude" o "late" na dumarating sa taping o shooting, ayon na rin sa testimonya ng mga kapwa celebrity o senior artist, kagaya na lamang ng rebelasyon" Definitely Filipino News

Ai Ai Delas Alas, ibinuking ang isang 'Starstruck alumnus' na madalas nale-late sa set

Richard De Leon

Dec 30

Kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa social media at mundo ng showbiz ang mga artistang "uma-attitude" o "late" na dumarating sa taping o shooting, ayon na rin sa testimonya ng mga kapwa celebrity o senior artist, kagaya na lamang ng rebelasyon ng batikang aktres na si Dina Bonnevie.

Dahil dito, usap-usapan ang video ng panayam kay Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ng ilang mga miyembro ng entertainment press, matapos niyang ibunyag ang pagiging late ng isang dating produkto ng talent-search na "Starstruck" ng GMA Network.

Ayon sa ulat ng Balita Online, naloka raw si Ai Ai at ang direktor ng pelikulang kanilang ginagawa dahil super late daw dumating sa set ang naturang Starstruck alumnus.

Alas-otso ng umaga raw ang call time nito subalit alas-tres na ng hapon dumating at pawala na ang araw!

Inalala ni Ai Ai ang pangalan nito, na inilarawan pa bilang "Mr. Smiley" at ang talento raw ay ang smile o ngiti niya.

"Si Rainier!" bulalas ng Comedy Queen.

Ang tinutukoy niyang Rainier ay walang iba kundi si Rainier Castillo, na nagmula sa Batch 1, kasama nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Katrina Halili, Dion Ignacio, Cristine Reyes, at iba pa.

Ikinuwento pa ni Ai Ai na parang dedma lamang daw ito nang masita, dahil kasagsagan ito ng kaniyang kasikatan. Matatandaang patok na patok ang Starstruck Season 1 noon, at hanggang ngayon naman ay sikat na sikat pa rin ang mga naging produkto ng Season 1 nito.

Dagdag pa ni Ai Ai, siya mismo ang nakasaksi kung paano "magsampalan" ang mga babae sa labis na kilig, masilayan lamang si Rainier. Talaga raw nagtitilian ang fans kapag lumalabas na si Rainier sa entablado, sa tuwing may mall show sila upang i-promote ang kanilang pelikula.

Ang pelikulang tinutukoy na pinagsamahan nila ni Rainier ay "Shake, Rattle, and Roll 2K5".

Sa ngayon ay hindi na aktibo sa showbiz si Rainier.

Wala pa itong tugon, reaksiyon, o pahayag hinggil sa naging rebelasyon ni Ai Ai. Ang naturang video ni Ai Ai ay ibinahagi sa Facebook post ng showbiz insider na si "Nherz Jane".


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/ai-ai-delas-alas-ibinuking-starstruck-alumnus/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 30, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • May 2025 (22)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.