DavaoPlus

Wednesday, 7 December 2022

[New post] Alexa Ilacad may pinatatamaan nga ba sa kaniyang IG post?

Site logo image Ronaldo Estur posted: "Naiintriga ang mga netizens sa pinakabagong post ni Alexa Ilacad na tila may pinatatamaan matapos madawit sa isyung diumano'y pang-iisnab nila kay Tuesday Vargas. Matatandaang nag-post sa Facebook si Tuesday tungkol sa umano'y pang-iisnab sa kaniya ng " Definitely Filipino News

Alexa Ilacad may pinatatamaan nga ba sa kaniyang IG post?

Ronaldo Estur

Dec 7

Naiintriga ang mga netizens sa pinakabagong post ni Alexa Ilacad na tila may pinatatamaan matapos madawit sa isyung diumano'y pang-iisnab nila kay Tuesday Vargas.

Matatandaang nag-post sa Facebook si Tuesday tungkol sa umano'y pang-iisnab sa kaniya ng dalawang baguhang artista kahit pa binati na niya ang mga ito sa isang event kamakailan.

Bagama't hindi pinangalanan ng komedyante ang sinasabing dalawang newbies at binura na rin niya ang naturang post, may mga lumabas na ulat na ang kaniyang tinutukoy ay ang loveteam na sina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Wala pang inilalabas na pahayag ang mga kampo nina KD at Alexa tungkol dito subalit binigyang-malisya naman ng ilang netizens ang Instagram post ng aktres nitong Martes lamang.

Nagbahagi kasi si Alexa ng kaniyang kaakit-akit na selfie pero maintrigang caption na: "Kung may problema ka sa akin, GRABE!! ang ganda naman ng problema mo. Char."

Maraming followers naman kaagad ang pumuri sa kagandahan ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemates habang may ilan namang nagsabi na hayaan na lamang at huwag pansinin ang kaniyang mga bashers at haters.

Nagpaliwanag din ang Kapamilya actress na nagbibiro lamang siya at wala siyang ibig ipakahulugan sa kaniyang caption dahil nabasa lamang niya ito sa Facebook.

"For the people who are turning this into something it isn't - quote lang po yan na nakita ko sa fb at tawang-tawa talaga ako," ayon kay Alexa sa comment section.

"Kaya nga po may "char" kasi nagbibiro lang po ako na ang ganda ko. Wag na po kayo mag overthink ng kung ano-ano kasi masstress lang po kayo…have a great day!" dagdag pa nito.

Samantala, ibinahagi naman ni Tuesday sa Twitter na tumawag na sa kaniya ang road manager (RM) ng dalawang bagets na tinutukoy niya at humingi na rin umano ito ng paumanhin.

"Huwag na kayong mag away away at mag butangan sa soc med kung sino ang tama at mali at wala naman kayo doon nung nangyari yun. Ang mahalaga we are shedding light on this issue. Kami lahat di kami perpektong mga tao at bilang Ate nila ay nagsalita ako upang maayos na sa susunod," saad ng isang tweet ng komedyante.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/alexa-ilacad-ig-post/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 07, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (12)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.