DavaoPlus

Friday, 2 December 2022

[New post] Alice Dixson, may tugon sa mga taong nagsasabi sa kaniyang ‘Act your age’

Site logo image Richard De Leon posted: "Hindi maitatangging isa ang batikang aktres na si Alice Dixson sa mga babaeng celebrity sa Philippine showbiz na talaga namang tila hindi kumukupas ang taglay na kagandahan. Mula noon hanggang ngayon, tila huminto na sa pagtanda ang kaniyang hitsura, a" Definitely Filipino News

Alice Dixson, may tugon sa mga taong nagsasabi sa kaniyang 'Act your age'

Richard De Leon

Dec 2

Hindi maitatangging isa ang batikang aktres na si Alice Dixson sa mga babaeng celebrity sa Philippine showbiz na talaga namang tila hindi kumukupas ang taglay na kagandahan.

Mula noon hanggang ngayon, tila huminto na sa pagtanda ang kaniyang hitsura, at isang buhay na patunay na "Age is just a number". Kayang-kaya pa niyang maging leading lady sa mga sikat na heartthrobs at leading men ng dati at kasalukuyang henerasyon dahil sa taglay na karisma.

Ayon sa ulat, marami ang humanga kay Alice sa latest Instagram post niya kung saan makikita ang kaniyang bagong look dahil sa kaniyang blonde hair.

Sey pa ng aktres, puro papuri ang kaniyang mga natatanggap sa kaniyang bagong hair color kaya "validated" na bagay sa kaniya ito; kagaya na lamang nang magtungo siya sa isang tanyag na mall sa Taguig City.

"Walking in Market2 when my suki said 'Ang ganda ng hair mo Alice, bagay sa yo!' saad ni Alice sa kaniyang Instagram post noong Nobyembre 20.

"Didn't realize how light & natural looking it has become."

Sa kabilang banda, kahit maraming pumupuri sa kaniyang alindog, sanay na rin si Alice sa mga taong walang ginawa kundi humanap ng kapintasan sa kaniya.

Kaya naman, tila "advance mag-isip" ang aktres at naghanda na ng sagot sa sinumang magsasabing dapat ay umayon sa edad niya ang mga kilos niya.

"So my favorite bashers say 'Act your age', 'You are too old for that', blah x3.'"

"Hahaha, I think if I acted my age, I probably wouldn't look this young," katwiran ng 53-anyos na aktres.

Sa comment section naman ng kaniyang IG post, umani ng papuri ang bagong hair color niya.

"There are no age limit to stay young and beautiful!"

"Don't mind them! Be the BEST version of you."

"Depende sa tao 'yan, wala 'yan sa edad, act your age kayo dyan, kung ano ang edad at ano ang gustong gawin wala na kayong pakialam. Mabuhay tayo ayon sa kagustuhan ng bawat isa!"

Ang huling seryeng kinabilangan ni Alice ay ang "The Legal Wives" sa GMA Network kasama sina Dennis Trillo, Bianca Umali, Andrea Torres, Ashley Ortega, at sumakabilang-buhay na si Cherie Gil.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/alice-dixson-tugon-sa-act-your-age/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 02, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (20)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.