DavaoPlus

Thursday, 8 December 2022

[New post] Anak na lalaki, tinupad ang pangako sa inang may sakit na magiging isa siyang lisensiyadong optometrist

Site logo image Nami posted: "Hindi lahat ng plano na gusto nating mangyari ay makakamit nang biglaan. May mga bagay minsan na dadanas muna tayo ng hirap bago makamit ang mga ninanais. Naantig ni Cliff Irvin Baetiong Constante ang puso ng mga netizens nang ibinahagi niya sa social " Definitely Filipino News

Anak na lalaki, tinupad ang pangako sa inang may sakit na magiging isa siyang lisensiyadong optometrist

Nami

Dec 8

Hindi lahat ng plano na gusto nating mangyari ay makakamit nang biglaan. May mga bagay minsan na dadanas muna tayo ng hirap bago makamit ang mga ninanais.

Naantig ni Cliff Irvin Baetiong Constante ang puso ng mga netizens nang ibinahagi niya sa social media kung paano niya tinupad ang kanyang pangako na maging isang lisensiyadong optometrist sa kanyang ina na may mabigat na karamdaman -- kanser.

Matagal na kasing gusto ng kanyang ina na maging isa siyang lisensiyadong doktor.

Napag-alaman na na-diagnose ang kanyang ina na may kanser sa dibdib at sa naging sitwasyon ng ina ay hindi nakapag-focus at nakapag-review nang maayos si Cliff.

Doble-doble din ang pagod nito at sakripisyo para lamang maipasa ang exam.

"Nung 1st take ko. My mom was diagnosed with breast cancer. Anxious. Hindi makapag-focus, hindi makapag-review nang maayos. Kailangan umalalay din sa Father ko kasi mas doble ang hirap ng isang asawa na nag-aalaga sa asawa niyang may sakit. Hindi biro 'yung pagsubok sa pamilya namin that time," saad niya sa post.

Sa unang take ni Cliff sa pagsusulit ay hindi ito nakapasa sa Theoretical Exams at tanging practical exam lang ang naipasa nito.

"Nung nag-take ako at lumabas 'yung result. Hindi ko nakita 'yung name ko sa list ng passers. Nag-fall ako under "Conditional" meaning passed sa practical exam pero mababa average sa Theoretical Exams. so need i-retake ang theoretical exam."

Imbes na manlumo sa naging resulta, idinaan na lamang ni Cliff sa panalangin ang gusto niyang mangyari na sana ay makapasa na sa exam.

"5 Mins lang ako naging disappointed. Sabi ko sa sarili ko hindi maganda if patatagalin ko tong malungkot na damdamin dahil 'di ko nakita name ko. A blessing delayed isn't a blessing denied. May mga bagay na hindi natin control sa mga kamay natin. May mga prayers na hindi sasagutin right away ng panginoon."

"I prayed and continue to study. I prayed and ask God for guidance. 'Yung guidance pala na 'yon is dapat pagsamahin kami apat mag tropa."

Ayon sa Philippine Star, nang maipasa na ni Cliff ang exam sa kanyang pangalawang pagsubok, agad naman itong pumunta sa ina upang sabihin ang magandang balita.

"Around 9 PM na noon, bawal na ang bumisita pero nakiusap ako sa guard na if pwedeng papasukin ako, ibabalita ko lang kay mama na doctor na ako. Nung binuksan ko 'yung pinto, sabi ni Mama, 'Hi, Doc. Congratulations' then yumakap ako sa kaniya, tapos after noong yakap, doon namin narealize na umiiyak na pala kami sa tuwa."

Payo naman ni Cliff, na kahit paulit-ulit man tayong madapa ay palagi nating isipin na tumayo at patuloy na maglakad patungo sa mga pangarap.

"Palaging nandyan ang Diyos naka gabay at mag tatayo sayo sa pagkaka dapa mo."

Siyang tunay!


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/anak-pangako-ina-optometrist/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 08, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (14)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.