Dalawang taon matapos huling maglaro sa Philippine Baskeball Association (PBA), isa nang registered nurse (RN) ngayon ang dating professional player na si Billy Mamaril.
Ito ay matapos siyang pumasa sa katatapos lamang na Nurse Licensure Examination nitong nakaraang buwan ng Nobyembre.

Ibinahagi ni Billy sa isang Instagram post ang kasiyahan matapos matupad ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng degree sa kolehiyo.
"Finally, after 23 years, I can say I have a college degree. I knew this day would come. I was just having too much fun for the past 22 years," ayon sa dating Beerman.

Pinasalamatan din ng manlalaro ang kaniyang pamilya, kaibigan at lalo na ang kaniyang misis dahil sa suporta ng mga ito sa kaniyang pag-aaral.
"This was a team effort captained by my wife. Thank you so much for allowing me to pursue my goals. To my daughters, I hope to be an example for you," saad ng post ni Billy.
"Lastly, thank you to my family and friends for all the cheers and comfort you have given me. The game is far from over. It is only the first quarter," wika pa nito.

Sa isa pang hiwalay na post, ibinahagi rin ng 42 anyos na anak ng dating PBA player na si Romy Mamaril ang ilang tips kung paano siya pumasa sa board exam.
Aniya, "Listen and take notes during lecture (8 hours); Answer practice questions (3 hours); Rewatch lectures X2 speed (3 hours); Read (2 hours); Make coffee (QID); Repeat everyday***; Result (,RN)."

Nagsimula ang career ni Billy sa PBA bilang isa sa players ng Purefoods TJ Hotdogs taong 2003. Subalit makaraan lamang ang isang taon ay nalipat siya sa sister team ng Purefoods na Shell Turbo Chargers.
Doon na nagsimula ang kaniyang pagiging journeyman dahil nang sumunod na mga taon ay nagpalipat-lipat na siya sa iba-ibang team gaya ng Coca Cola Tigers, Barangay Ginebra kung saan siya nagtagal ng siyam na taon, Global Port at San Miguel Beer kung saan siya tuluyang nagretiro.
No comments:
Post a Comment