Naniniwala ang social media personality na si Donnalyn Bartolome na hindi dapat pinipilit ang mga anak na mahalin ang kanilang magulang dahil kusa naman daw ibabalik ng mga anak ang pagmamahal na natutunan nila sa kanilang mga magulang.
"Ang pagmamahal sa magulang, hindi pinipilit. Minamahal ka ng anak mo dahil sa pagmamahal na pinapakita mo sa kanya. Natututo ang anak magmahal through their parents and the way they show love," sabi ni Donna sa isang Facebook post.

"Kaya dapat bilang magulang mahalin mo ang anak mo nang matuto siya kung paano magmahal sa'yo at sa ibang tao. Never the other way around. Cause how can you expect your child to love you, right, if ikaw hindi mo yun ginagawa sa kanya? Dapat reciprocal. Kasi pag hindi, saan siya matututo? Sa movies? Sa mama ng friends niya? Sa ibang tao? Parang mali."
Para rin sa kaniya, ang mga anak ang nagsisilbing salamin ng mga magulang dahil lumalaki ang mga anak sa mga aral na itinuturo ng mga ito sa kanila.
"Pansinin n'yo na parang salamin ang mga anak, kung paano kayo sa kanila, madalas ganun din sila sa'yo. Hindi yun sadya.. yun lang talaga ang naituro sa kanila. Kaya kung sobrang mapagmahal ng anak mo.. dahil yun sa pagmamahal na pinakita mo sa kanya."

Nagbahagi rin siya ng lumang post kung saan sinabi niyang kung may mga utos ang Diyos sa anak ay mayroon din sa mga magulang.
Samantala, hati naman ang opinyon ng netizen sa hugot na ito ni Donnalyn.
"Tama naman. Kung paano mo pinalaki ng pagmamahal at respeto ang anak mo, ganun din ang ibabalik sayo. Kung ano yung nakikita sa magulang hanggang sa paglaki ng anak, dala dala niya yun," pagsang-ayon ng isang netizen.
May ilan namang sinabing hindi sa lahat ng pagkakataon ay salamin ng mga magulang ang kanilang anak.
"Pero hindi sa lahat ng pagkakataon nagiging ganyan ang mga anak. May mga anak pa rin na sobrang magmahal sa magulang kahit hindi ganun kaganda ang mga nakaraan. Nasa pagkatao na lang talaga," sabi naman ng isang Facebook user.
Anong opinyon mo sa usaping ito?
No comments:
Post a Comment