Aminado ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith na nakadarama pa rin siya ng pressure sa tuwing ikinukumpara sa kanyang ate na si Anne Curtis.

Sa recent episode ng Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga", ibinahagi ni Jasmine na hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang challenge ng pagiging kapatid ni Anne, ngunit palaging mas nangingibabaw 'yong relasyon nila bilang mag-ate kaya hindi niya hinahayaan na magkaroon ito ng negatibong impact.
"Minsan mararamdaman ko pa rin 'yon. Pero sa tingin ko kasi mas nangunguna pa rin 'yong relasyon namin bilang mag-ate, magkapatid, so hindi ko 'yon hahayaan na mangunang pakiramdam or hindi ko didibdibin," wika niya.
Sa katunayan, masayang-masaya si Jasmine sa mga nararating ng kanyang kapatid, na maging ang pagkanta ay nagagawa.
"Yes! I'm proud!" sabi niya.

Sa kaarawan ni Anne kamakailan, nagpahayag ng mensahe ng pagmamahal si Jasmine sa tinatawag niyang "superwoman" ng kanilang pamilya.
"You truly are the most admirable, chicest, and loving sestra, daughter, and maman. From wanting to get a copy of your iTunes playlist to asking for your Kdrama recos, you are my icon in so many areas. May this year bring an abundance of peace, love, and joy in your life, always," aniya. "Looking forward to decades more of memories to make together. Thank you for making life worth living for so many of us! Keep dreaming and soaring, sestra. We will be here always cheering on! I love you."

Nauna nang naikuwento ni Jasmine kung bakit hindi niya inalis ang "Smith" sa apelyido nila na "Curtis-Smith" katulad ng ginawa ni Anne.
"Because I know she tried so hard to keep it. It was a challenge for myself. I felt na sayang naman 'yong full name, 'yong Curtis-Smith, I really, really like it, so if I can try to retain it, by all means I'll do my best," wika niya sa eksklusibong panayam sa PhilStar. "I want to try to keep it. Kung mag-aartista ka rin naman, you gonna make your name out of the public, why not try to be complete? Let's see how long kung kaya kong panindigan na buo 'yong last name ko."
Panoorin ang ang Bawal Judgmental episode kung saan kasama si Jasmine:
No comments:
Post a Comment