Itinanggi ni Jeric Raval na nanganak na ang kaniyang anak na si AJ Raval sa gitna ng bali-balitang nabuntis ito ni ALjur Abrenica na matagal nang nauugnay sa aktres.
Sa press conference ng pelikulang Pinoy Ghost Tale, kung saan tampok ang mag-ama sa isang episode, dumating sin Jeric at AJ kasama ang isa pang anak ng aktor na si JK Raval.

Ayon sa PEP.ph, pinakiusapan umano nito ang mga reporter na huwag nang banggitin pa ang isyu ng diumano'y pagdadalantao ni AJ Raval.
Gayunpaman, si Jeric mismo ay diretsahang pinabulaanan ang balitang ito.
Natanong kasi ang action star tungkol sa kung ano ang maipapayo niya kay JK at sa isa pang anak na si Noriko na kapwa may plano na ring pasukin ang mundo ng showbiz.

"Ang payo ko na lang sa mga anak ko, dito kasi sa movie industry, ang sikreto dito ay marunong kang makitungo sa mga tao, marunong ka makisama. Lahat dito kaibigan. Ang iniipon dito kaibigan. Hindi kaaway," bahagi ni Jeric.
Kahit raw kay AJ ay laging ito ang binabanggit niya, ang magpasalamat kahit maraming nagba-bash dahil ibig sabihin daw nito ay sikat ka.
Tungkol naman sa isyu ni AJ, turan ni Jeric, "'Yung mga naglabasang isyu dati kay AJ na… actually, matagal na 'yun e. Nagtataka ako bakit hanggang ngayon hindi pa nanganganak… may buntis, ilang buwan na overdue na," wika ng aktor.

Kaya payo niya sa anak na artista, "Okay lang 'yun, anak. At least napapag-usapan ka. Okay lang 'yun. Masanay ka sa ganyan. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa.Okay lang 'yan. Kasama 'yan sa trabaho natin."
May pakiusap rin ang aktor sa lahat ng nagkakalat ng tsismis na nabuntis at nanganak na si AJ.
"Sa mga tao na hanggang ngayon ay pinag-usapan 'yung isyu tungkol dun sa anak ko, sana po patahimikin na po natin. Kawawa naman po 'yung bata. Tapusin na po natin 'yung isyu," pakiusap ni Jeric.

"Ako na po ang nagsasabi at ulitin ko. Ang isyu na 'yun ay isyu lang ho 'yun. Wala hong katotohanan lahat," wika pa nito.
Naging mainit na usap-usapan ang diumano'y panganganak ni AJ sa isang ospital matapos itong ilabas ni Ogie Diaz sa kaniyang You Tube vlog noong nakaraang buwan.
Hanggang ngayon ay wala pa ring tuwirang pahayag ang aktres para kumpirmahin o itanggi ito.
Samantala, narito ang video ng entertainment reporter na si Reggee Bonoan sa press conference ng Pinoy Ghost Tales:
No comments:
Post a Comment