Inilabas ni Kuya Kim ang 'inis' niya kay Padre Salvi — ang karakter na ginagampanan ni Juancho Triviño sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra — nang mag-guest ito GMA morning game show na TiktoClock.

Pagkakita pa lamang kay Juancho, panay sabi na ni Kuya Kim sa co-host na si Pokwang na, "Awatin mo 'ko! Matagal na 'ko nag-iinit diyan, e."
Bukod dito, nag-post din si Kuya Kim sa Instagram ng larawan nila ni Juancho kung saan nakaporma ang kanyang kamao habang ang aktor naman ay naka-pose hawak ang isang hanger.
"Tagal ko nang gustong bawian ito. Grrrrr!" saad niya sa caption ng litrato.

Matatandaang minsan na ring pinuri ni Kuya Kim ang acting ni Juancho bilang Padre Salvi, "You are sooo good, naiinis ako when I see you on TV! Bravo."
Umiikot ang kuwento ng serye sa istorya ng karakter na ginagampanan ni Barbie Forteza na si Klay, isang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa Noli Me Tangere, si Padre Salvi ang nagdulot ng matinding kapahamakan kay Crisostomo Ibarra.

Madalas mag-trend ang pagganap ni Juancho sa teleserye. Marami ang natutuwa—at naiinis—sa kanya na maging ang mga kapamilya ng isa sa mga bida na si Barbie Forteza ay napansin na rin ang kanyang portrayal.
"Inis na inis sayo ang nanay at ate ko! Galing mo raw," ani Barbie sa kanyang reply sa tweet ni Juancho.
Tugon naman ni Juancho na umarteng Padre Salvi sa kanyang reply, "Magtutuos pa tayo Senorita Klay!"
[RELATED - 'Sa 10 years ko sa showbiz, first time ko 'to': Juancho may TAG Awards Chicago nomination dahil sa role na Padre Salvi]
Samantala, masaya ang mga Kapuso fan na nabigyan na rin ng break si Juancho na isang mahusay na aktor. Wika ng Twitter user na si @JayTorrr, "Sa wakas, may remarkable role ka na. Just enjoy the limelight and be thankful for the role, this is how you will be recalled as an actor–Juancho Trivino. If someone mentions Juancho Trivino, the other one will not ask, 'Sino 'yon?'"
Panoorin ang episode ng TiktoClock na nagtatampok kay Juancho:
No comments:
Post a Comment