Dahil sa naging reaksyon ni Kuya Kim Atienza sa viral video ng diumano'y pang-iisnab ng Choco Mucho Flying Titans (CMFT) volleyball team sa kanilang fans kamakailan, pati siya ay napag-initan rin ng ilang netizens sa social media.
Matatandaang sinabi ni Kuya Kim na hindi rin siya sang-ayon sa ginawa ng CMFT lalo pa't itinuturing silang 'public personalities'.

"As public personalities, (yes athletes are also public figures), we have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us or we can choose to stay private and give them the cold shoulder. This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately," wika ng TV host.
"What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys," dagdag pa nito.

Bagama't may mga netizens na sumang-ayon kay Kuya Kim, may ilan ding kinontra siya dahil raw sa 'pagsawsaw' sa isyu.
Isa na rito ang pinagtawanan pa ang TV host dahil lilima lang naman daw ang 'fan'nito.
"Lol Hahahahahahahahahahha lilima lang fans mo syempre hindi mahirap pansinin yan," ayon sa netizen.

Hindi naman ito pinalampas ni Kuya Kim na kuwelang binuweltahan ang commenter. Aniya, "Anim naman (smile emoji)".
May isa ring nagsabi na, "Ay kuya kim i add mo po ako sa lima na yan' na sinagot rin ng TV host na, "Thank you. 6 na kayo."
Mayroon pa ring humabol na nagsabing: "Pwede ba ko pang pito fans?"
Tugon naman ni Kuya Kim: "Ok 7 na kayo. Thanks."
Hindi lamang si Kuya Kim ang naglabas ng reaksyon sa viral video ng CMFT dahil marami ring netizens ang nakisawsaw at may kani-kaniyang saloobin dito kaya nauwi sa mainit na debate sa social media ang isyu.
BASAHIN: 'Deanna-mansin?' Pang-iisnab ni Deanna Wong sa isang tagahanga, usap-usapan
No comments:
Post a Comment