May kalendaryo ka na ba para sa 2023?
Well, kung wala pa, baka bet mong gayahin ang ginawa ng netizen na ito, kung saan napagdiskitahan niyang gumawa na lamang ng sarili niyang kalendaryo upang mas makatipid, at mas mapasaya pa ang kaniyang sarili, mga katrabaho, at mga kaibigan.
Ayon sa ulat ng Balita Online, laugh trip ang hatid sa social media ng lalaking nagngangalang "Arrick Dylan Paras" matapos niyang ibahagi ang sariling gawang kalendaryo para sa 2023.
Makikita sa kalendaryo ang topless niyang litrato at sa pang-ibaba naman ay nakasuot ng maong pants. Talaga namang dinaig niya ang mga modelong kadalasang ginagawang cover sa kalendaryo!
"Ang ating official calendar ng 2023! HAHAHAHA," aniya sa caption ng kaniyang Facebook post.
Kuwento niya sa isang panayam, napagtripan lamang niyang gawin ito at hindi naman niya akalaing magugustuhan ng kaniyang mga katrabaho sa opisina.
Ayon naman sa panayam sa kaniya ng News5, nasa archive lang ng kaniyang gadget ang mga litrato niya mula sa "fun shoot" nila ng kaniyang mga kaibigan. At para hindi ito masayang, naisipan niyang ilagay na lang ito sa kalendaryo.
"Para sa tuwing titingin sila ng date, ako makikita nila," saad niya.
Hindi naman ipinagkaila ni Arrick na noon pa man ay naging pangarap na niyang maging modelo ng isang kalendaryo. At dahil sa panahon ngayon na kahit sino ay puwede nang gumawa ng mga bagay na dati ay binibili lang, minarapat niyang gawin na lamang ito, for fun only.
"Actually, 10 lang 'yung pinagawa ko. Ibibigay ko lang dapat sa office namin and some friends pero dahil maraming nagkagusto, mukhang need ko ata ng more than 50 copies hahaha," pabiro niyang hirit.
Narito ang ilan sa mga komento sa kaniya na karamihan ay naaliw at tila naeengganyo na ring gumawa. hahaha
"You gave us an idea!"
"Boss HM?"
"Penge isa lagay ko sa gate namin!"
"Magaya nga hahaha."
"Kabog silang lahat hahaha."
No comments:
Post a Comment