Kinaaaliwan ngayon sa social media ang litrato ni Padre Salvi at ng iba pang characters ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra habang umoorder sa isang fast food restaurant.

Sa viral Facebook photo, makikitang umo-order na si Padre Salvi—ang trending na karakter na ginagampanan ni Juancho TriviƱo—habang nakapila naman sa likod niya ang iba.
"Padre Salvi n'yo nag-drive-thru na, nagutom at pumunta sa Jollibee," saad ni Regonios Rolando sa caption ng litratong ini-upload niya sa Facebook group na Maria Clara at Ibarra GMA.
Aliw na aliw ang mga social media users sa post, na umabot na sa 161,000 ang reactions, as of writing. Karamihan sa mga ito ay Haha reaction.
Mahusay na pagganap
Matatandaang madalas ding mag-trend ang pagganap ni Juancho sa teleserye. Marami ang natutuwa—at naiinis—sa kanya at sa katunayan, maging ang mga kapamilya ng isa sa mga bida na si Barbie Forteza ay napansin na rin ang potrayal niya sa nasabing role.
"Inis na inis sayo ang nanay at ate ko! Galing mo raw," ani Barbie sa kanyang reply sa tweet ni Juancho.

Tugon naman ni Juancho na umarteng Padre Salvi sa kanyang reply, "Magtutuos pa tayo Senorita Klay!"
[RELATED – 'Sa 10 years ko sa showbiz, first time ko 'to': Juancho may TAG Awards Chicago nomination dahil sa role na Padre Salvi]
Umiikot ang kuwento ng serye sa istorya ng karakter na ginagampanan ni Barbie na si Klay, isang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa Noli Me Tangere, si Padre Salvi ang nagdulot ng matinding kapahamakan kay Crisostomo Ibarra.
[RELATED - Kuya Kim kay Padre Salvi: 'Tagal ko nang gustong bawian ito, grrrr!']
Samantala, masaya ang mga Kapuso fan na nabigyan na rin ng break si Juancho na isang mahusay na aktor. Wika ng Twitter user na si @JayTorrr, "Sa wakas, may remarkable role ka na. Just enjoy the limelight and be thankful for the role, this is how you will be recalled as an actor–Juancho Trivino. If someone mentions Juancho Trivino, the other one will not ask, 'Sino 'yon?'"

No comments:
Post a Comment