DavaoPlus

Sunday, 4 December 2022

[New post] Lyca Gairanod, ibinida na ang BF sa social media; mga netizen, kaniya-kaniyang payo sa kaniya

Site logo image Richard De Leon posted: "Matapos ang "jowa reveal" sa kaniyang ika-18 kaarawan, tuluyan na ngang finlex ni "The Voice Kids" season 1 champion Lyca Gairanod ang kaniyang nobyo sa social media. Ito ang kaniyang pasabog noong Nobyembre 21 na hindi napaghandaan ng kaniyang mga tag" Definitely Filipino News

Lyca Gairanod, ibinida na ang BF sa social media; mga netizen, kaniya-kaniyang payo sa kaniya

Richard De Leon

Dec 5

Matapos ang "jowa reveal" sa kaniyang ika-18 kaarawan, tuluyan na ngang finlex ni "The Voice Kids" season 1 champion Lyca Gairanod ang kaniyang nobyo sa social media.

Ito ang kaniyang pasabog noong Nobyembre 21 na hindi napaghandaan ng kaniyang mga tagahanga, gayundin ng mga netizen.

Mas inaabangan kasi ng lahat ang magiging paandar nina Lyca at ABS-CBN news anchor Karen Davila dahil pareho ang kanilang kaarawan. Matatandaang nag-viral pa ang reaksyon at pagbulalas ni Karen nang malaman niyang pareho silang Scorpio ng singer-vlogger, noong 2021. Para sa kaniya, isang pambihirang pagkakataong makasalamuha ang isang taong may katulad niyang kaarawan.

Pabirong hirit ni Lyca, sagot na raw ni Karen ang kanilang birthday party; bagay na tinupad naman ng batikang broadcaster.

Sa debut party ni Lyca noong Nobyembre 21, nagulat ang lahat nang ipakilala niya ang kaniyang jowa, na isa namang non-showbiz personality, ayon sa ulat.

Disyembre 3, ibinahagi ni Lyca sa kaniyang Instagram post ang litrato nila ng non-showbiz boyfriend. Makikitang magkahawak-kamay pa silang naglalakad sa isang pedestrian lane.

"Spend time with you," simpleng caption ni Lyca sa kaniyang IG post.

Inulan naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen; sa comment section ng kaniyang IG post.

"Grabe si Lyca mas una na nag-glow up sa akin at nagka-jowa Hahahaha deserved girl!"

"Wow Lyca ikaw na talaga!"

"Good luck guys!!! Enjoy while you are still young..."

Sa kabilang banda, marami ring mga netizen ang nagpaabot ng kanilang payo kay Lyca, na mababasa naman sa comment section ng Balita Online.

"It's normal to be in love, it's a part of growing up but limitation is a must."

"Wag ka sana magpadalos-dalos beh bata ka pa, ingat-ingat muna sa mga lalaki."

"Ok lang mag-bf basta pangarap muna para sa pamilya para sa magandang kinabukasan."

"Naku! Bata ka pa dai... unahin mo muna career mo... tandaan mo ang hirap na dinanas mo dai."

"Kilalanin mu muna mabuti veh... isipin mo lahat ng pinagdaanan mo, mapunta ka lang diyan... baka pag niloko ka,(wag naman sana)... madamay pati career mo."

Samantala, wala pang tugon o reaksyon si Lyca sa mga naging payo sa kaniya ng netizens.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/lyca-gairanod-boyfriend/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 04, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • May 2026 (12)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.