Proud at emosyonal si Maxene Magalona nang mapanood ang hologram ng kaniyang amang si Master Rapper Francis M na kumanta at kasabay sa entablado ng Eraserheads nitong katatapos pa lamang na reunion concert ng banda.
Sa isang Instagram post noong isang araw, nagbahagi si Maxene ng video kung saan makikitang nagra-rap ang hologram ni Francis M sa kantang 'Superproxy' ng Eheads habang katabi naman ang magkapatid na sina Elmo at Arkin Magalona.

Si Elmo ang nag-introduce sa ama at nag-jam pa ang tatlo habang kumakanta si Master Rapper ng 'Superproxy'.
Ani Maxene, ang kaniyang napanood ay isang 'proud ate moment'.
"My heart was beaming with pride watching and seeing the baby bruvs @elmomagalona + @barqboy shine their light on stage at the Eraserheads concert last night. I am so damn proud of you both!" caption ni Maxene sa kaniyang post.

"Papa obviously lives in your souls," dagdag pa ng aktres.
Pinasalamatan din ni Maxene ang Eraserheads dahil sa ginawang pagkilala ng banda sa pumanaw na isa sa itinuturing na Pinoy music icon.

"Sending my love and gratitude to the legendary #Eheads @elybumbilya, @marcusadoros, @buddyzabala and @raymsmercygun for honoring the late FrancisM through this super cool hologram at their reunion concert," patuloy ni Maxene.
"It was nice to see you for a while, Pop! Thank you so much for gracing us with your presence," wika pa ng panganay na anak ni Francis M kay Pia Arroyo.
Sa isa pang post, inilarawan ni Maxene ang kaniyang naging karanasan sa Eheads concert bilang 'one of the most magical days of my life.'
"I don't take good energy for granted. On this special day, God blessed me with an abundance of it. And so much more," ayon pa sa Kapamilya actress.
No comments:
Post a Comment