Isa sa mga kinagigiliwang komedyante, TV host, at impersonator sa showbiz ay si Jervi Li o mas sumikat bilang "KaladKaren Davila",; gumaya kay ABS-CBN news anchor Karen Davila.
Bukas ang lahat sa pagiging transgender ni KaladKaren at pagkakaroon ng longtime British boyfriend na si "Luke Wrightson" na ngayon ay naninirahan sa London, United Kingdom.

May sarili na ring condo unit ang mag-jowa mula sa katas ng pagpapagod at pagbabanat-buto ni KaladKaren, at soon ay ikakasal na rin sila sa ibang bansa lalo't tanggap ang same-sex marriage doon.
Noong Miyerkules, Disyembre 21, ibinahagi ni KaladKaren sa kaniyang Facebook post na siya ay nasa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City upang lumipad patungong London. Doon siya magdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa poder ng kaniyang "fiance" na tinatawag niyang "Mr. Monkey".
Humirit si KaladKaren; bagay na pumatok naman sa mga netizen, lalo na ang mga naka-relate-much!
"Magtrabaho ka pero 'wag mo rin kalimutan magpadilig!," pabirong banat ni KaladKaren.
"Finally, makakapagbakasyon din! Huhuhuhu. See you soon, my love! Monkey is excited to see you and Monkey #2!"
"See you next year, Pilipinas!"

Bentang-benta naman sa mga netizen ang pabirong hirit ni KaladKaren at napa-"sana all" na lang, batay sa ulat ng Balita Online.
"Noted po!"
"Okay po Miss KaladKaren hahahaha."
"Puro work lang ako eh... hahahaha."
"Akala ko kasi puro work lang at hindi na kailangan ng dilig hahaha."
"Sana all po may dilig takot na kaming pareho magdiligan baka masundan agad."

"Mindset ba mindset!"
"Ok lang magpadilig wag kung sino-sino lang na tao dapat sa taong mahal mo lang, hindi kung kani-kanino lang na lalake."
"Wala naman masama sa magpadilig pero utang na loob wag naman sa may asawa na LOL."
Ayon pa sa ulat ng Balita Online, kinaaliwan din ng mga netizen ang hirit noon ni KaladKaren sa mismong vlog entry ni Karen Davila tungkol sa bedroom nila ng jowa na nagiging "hardin" umano kapag gabi.
Doon daw kasi siya dinidiligan ng kaniyang boyfie!
No comments:
Post a Comment