DavaoPlus

Saturday, 31 December 2022

[New post] Mga mango float na ‘di tinipid pero tinamad’, nagdulot ng katatawanan

Site logo image Richard De Leon posted: "Isa sa mga hindi mawawalang panghimagas sa tuwing sasapit ang mga espesyal na okasyong gaya ng Pasko at Bagong Taon ay ang mango float. Ang mango float o crema de mangga ay isang Pinoy icebox cake dessert na binubuo ng layered ladyfingers o Graham crac" Definitely Filipino News

Mga mango float na 'di tinipid pero tinamad', nagdulot ng katatawanan

Richard De Leon

Jan 1

Isa sa mga hindi mawawalang panghimagas sa tuwing sasapit ang mga espesyal na okasyong gaya ng Pasko at Bagong Taon ay ang mango float.

Ang mango float o crema de mangga ay isang Pinoy icebox cake dessert na binubuo ng layered ladyfingers o Graham crackers, whipped cream, condensed milk, at hinog na carabao mangoes. Medyo matrabaho nga lang ang paggawa nito, pero kung titiyagain, tiyak na masisiyahan naman sa pagkain nito ang iyong pamilya, mahal sa buhay, o mga bisita.

Kaya naman, ayon sa ulat ng Balita Online, katatawanan ang dulot sa social media ng iba't ibang Facebook post na nagpapakita ng "di tinipid sa sangkap pero tinamad sa preparasyon" sa paggawa ng mango float sa nagdaang Pasko, at siyempre, ngayong papasok ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Makikita sa mga litrato na basta na lamang inilagay ang Graham crackers at ipinatanong ang mga hiniwang mangga, batay sa Facebook page na "So Yummy Talaga".

Ngunit ang isang nagpatawa talaga sa lahat ay ang "self-service" na paggawa ng mango float kung saan makikita ang isang beki na kumukuha ng mga rekados paisa-isa.

Ibinahagi ito sa Facebook page na "Klasik Titos and Titas of Manila".

Ang isa naman, tinamad nang maghiwa ng mga mangga at gumamit na lamang ng isang powedered mango juice.

Makikita naman ito sa Facebook post ni "Nat Han".

Paano nga ba gumawa ng mango float?

Bago ang lahat, kailangan munang ihanda ang mga sumusunod na sangkap: 2 hanggang 3 tasa o mangkok ng hinog na mangga, na maninipis ang pagkakahiwa, Graham crackers, crushed Graham, 1 lata ng all-purpose cream, at 1 lata ng condensed milk.

Kapag handa na, sundin ang sumusunod na mga proseso.

Una, isang hugis-parihabang lalagyan, ayusin ang 8-10 piraso ng Graham crackers, pagkatapos ay pagtabi-tabihin. Magtabi ng iba pa para sa susunod na layer.

Sumunod, ihalo ang cream at kondensada. Pagkatapos ay sa layered crackers sa ibaba, ikakalat ang gatas at cream halo. Maglatag ng manipis na hiwa ng mangga, ipantay sa tuktok ng cream.

Gumawa ng isa pang layer ng Graham crackers, ikalat ang cream at manggang hiniwa. Maaari kang gumawa ng maraming mga layer kung gusto mo.

Palamutihan ang tuktok ng layer ng mangga at durog na Graham crackers.

Palamigin ang mango float nang hindi bababa sa 2-3 na oras bago ihanda. Hinay-hinay lang sa pagkain!

 


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/01/mango-float-na-di-tinipid-pero-tinamad/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 31, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • June 2025 (2)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.