DavaoPlus

Thursday, 29 December 2022

[New post] ‘Nag-drive ako walang lisensya’: Jak, nawala ang wallet sa first date nila ni Barbie

Site logo image Cha Echaluce posted: "Naging masaya ngunit napuno rin ng kaba sa kalaunan ang first date ng aktor na si Jak Roberto at ng kanyang kasintahan na ngayon na si Barbie Forteza. Sa Updated With Nelson Canlas, ibinahagi ng magkasintahan na magkasama sila ng isang buong araw p" Definitely Filipino News

'Nag-drive ako walang lisensya': Jak, nawala ang wallet sa first date nila ni Barbie

Cha Echaluce

Dec 29

Naging masaya ngunit napuno rin ng kaba sa kalaunan ang first date ng aktor na si Jak Roberto at ng kanyang kasintahan na ngayon na si Barbie Forteza.

Sa Updated With Nelson Canlas, ibinahagi ng magkasintahan na magkasama sila ng isang buong araw para sa kanilang first date at nanood ng tatlong pelikula, kasama ang isang last full show sa isang 4D na sinehan. Dahil 4D ang sinehan, gumagalaw-galaw ang mga upuan kaya aksidenteng nahulog ang wallet ng Kapuso actor.

"After ng movie, sa parking na kami, hinanap ko 'yong ticket ng parking kasi babayaran sa may labas. Hinanap ko 'yung wallet ko, wala, nalaglag," pagbabahagi ni Jak na pinipilit daw noon na kumalma kahit na may tsansang mauwi sa disaster ang kanilang first date ni Barbie.

"Calm down lang ako, ayokong magpakita ng [kaba]. 'Hindi okay lang 'yan, makikita rin 'yan. Bukas na lang siguro,'" pagpapatuloy ni Jak sa kanyang kuwento.

Gayunman, hindi pa rin daw maiwasan ni Jak na mataranta dahil nag-drive siya noon na walang lisensya at kung mahuhuli sila, tiyak na hindi magiging maganda ang impression ng kanyang date.

"Pero sa isip-isip ko, magda-drive ako walang lisensya. Paano kung kasama ko si Barbie tapos mahuli kami? Nando'n na 'yung panic ko. Tapos wala akong lisensya, nakakahiya naman first date napa-trouble kaagad si madam," aniya.

Mabuti na lamang at mabilis din nakaisip ng gagawin ang aktor, "Napakiusapan ko na lang na nalaglag 'yung ticket sa mall. Tapos nakilala naman kami, so binayaran ko pa rin naman 'yong penalty doon sa ticket 'pag nawala."

Samantala, nakabalik din naman daw kinabukasan ang wallet kay Jak. Ayon sa management ng mall, nakita ito sa 4D na sinehan kung saan sila naupo.

"Kaya doon sa mga magfi-first date, huwag 4D," pabirong sabi ni Barbie kaugnay ng first date nila ng kasintahan niya sa loob ng limang taon.


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2022/12/nag-drive-ako-walang-lisensya-jak-nawala-ang-wallet-sa-first-date-nila-ni-barbie/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at December 29, 2022
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • [New post] Drimz – Rudo (Official Music Video)
    Yoi 没...
  • [New post] DOH urges public to be aware of risks, to know when not to mask
    Plane...
  • [New post] Shisen Hanten @ Orchard
    live2...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • May 2025 (10)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.