Muling pinatunayan ni Michael V na hindi lamang sa pagpapatawa at pagkanta siya magaling kung hindi maging sa panggagaya rin ng ibang personalidad.
Nitong Huwebes, Disyembre 29, bentang-benta sa mga netizens ang kaniyang kakaibang OOTD (outfit of the day) bilang si 'Uncle Fester'; isang karakter sa sikat na Netflix series na 'Wednesday'.
Ang 'Wednesday' ay kuwento ni Wednesday Addams ng sikat at kakaibang Addams Family kung saan napanood ang kaniyang tiyuhing si Uncle Fester na ginampanan ni Fred Armisen.
Samantala, patok naman sa Instagram ang panggagaya ni Bitoy kay Uncle Fester Addams kung saan nakasuot siya ng itim na trench coat, itim na bowler hat at may kaunting make-up.
Anang kaniyang caption, "Medyo napuyat ako dahil sa lamig. But here's my OOTD for "Wednesday"".
Sa loob lamang ng isang araw, pinusuan na agad ito ng mahigit 10,000 Instagram users na pawang namangha sa transformation ng komedyante.
Narito ang ilang komento sa Instagram post ni Bitoy:
"Kaya pala nung pinapanuod ko to sabi ko parang may kamukha tong si Uncle Fester pero hindi ko mawari kung sino hahaha."
"Uncle Bits ter ... Pero pag inalis ung sombrero, pwede na ring Padre Salvi."
"Late na kayo sa Halloween... Pero cge bigyan ka pa rin namin ng Hershey's Kisses.... from the Lips of Hershey's.'
"Really nice Toybits. Parang natural lang and walang ka-effort effort. Woke up like this ba? #UncleFester."
Ayon sa The Addams Family Wiki, si Uncle Fester ay kalbo, medyo nakabaluktot ang likod, lubog at maitim ang paikot ng mga mata at may nakalolokong ngiti.
Sa ikapitong episode ng 'Wednesday' na "If You Don't Woe Me by Now", dinalaw niya ang pamangking si Wednesday kung saan inamin niya rito na siya ay nagtatago sa batas.
No comments:
Post a Comment