Ilang oras na lamang at nalalapit na ang pagdiriwang ng Pasko. Sa pagpitada ng 12:00 ng hatinggabi, hindi mawawala sa tradisyon ng pagdiriwang ng mga Pilipino ang Noche Buena. Mapa-bongga man o simple, ang mahalaga rito ay nagunita ang kaarawan ng pagsilang ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagsasalo-salo at bigayan ng aginaldo.

Ngunit sa hirap daw ng buhay ngayon at mahal na presyo ng mga bilihin, posible pa nga bang magkasya ang 1,000 piso bilang handa sa Noche Buena?
Para sa chef-vlogger na si Ninong Ry, kaya pang makapagluto ng anim na putahe sa ₱1K na budget, ayon sa kaniyang latest Facebook post.
"1000 pesos na Noche Buena! 6 putahe para sa buong pamilya! Abangan mamaya! Upload ko nang maaga para makapamili kayo! I love you mga inaanak!" caption ni Ninong Ry sa kaniyang Facebook post.

Ayon sa ulat ng Balita Online, umani ito ng iba't ibang komento mula sa mga netizen, lalo't kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pahayag ng Department of Trade and Industry o DTI na kasya ang ₱500 budget para sa simpleng Noche Buena sa isang pamilyang may 5 miyembro.
"Better than DTI's ₱500 Noche Buena budget. And for sure mas masarap!"
"Mamaya sana mag-live yung DTI para malaman natin kung 500 talaga Noche Buena nila."
"Nong imposible 1k mahal ng bilihin ngayon chicken isang buo 300 na agad plus mga rekado pa pero abangan ko 'yan nong idol kita eh ahahahahaha…"
"Mas realistic kaysa doon sa 500 pesos nung taga-DTI. Salamat Ninong Ry!"
"Thanks Ninong Ry mukhang magandang recipe 'yan at pasok sa budget for noche buena sana ma upload n'yo agad nang maaga para mapag-aralan yung mga recipe."
Matatandaang ayon mismo kay Atty. Ruth Castelo, undersecretary ng DTI, may resibo umano sila na puwedeng-puwedeng makapamili ng mga ihahanda sa Noche Buena ang isang pamilyang may budget na ₱500, ayon sa ulat ng Balita Online.

Hindi aniya ito insulto at kung mamimilosopo lamang daw, hindi talaga ito kakasya, aniya pa.
Panoorin:
No comments:
Post a Comment