Sa kabila ng mga intrigang naghihintay sa nakabakasyong si Deanna Wong, buong-buo ang suporta sa kaniya ng partner na si Ivy Lacsina na kasama niya ngayon sa El Nido, Palawan.

Ayon sa ulat ng Abante, "bugbog-sarado" ngayon sa social media si Deanna dahil sa viral post ng isang fan sa TikTok kung saan tila inisnab daw siya ng sikat na volleyball star.

Sinundan pa ng netizen na si "Rajin Navarro" si Deanna upang magbaka-sakaling mapagbigyan siyang makipag-selfie rito, subalit pinagbawalan daw siya ng mga kasama nito. Bawal anilang magpa-picture kay Boss D.
Hindi lamang ito, dahil bago pa man kumalat ang kaniyang mga video, nauna nang binatbat ng kritisismo ang kaniyang team mates na "Choco Mucho Flying Titans" matapos nilang hindi pansinin o kawayan man lamang ang mga tagahangang kumukuha sa kanila ng video.
Bagay na ikinadismaya naman ng mga netizen at kinomentuhan na rin ng iba't ibang celebrities tulad nina Kuya Kim Atienza, Rendon Labador, Ogie Diaz, at iba pa.
Hindi naman daw kailangan ng mga tagahanga at tagasuporta nila na huminto pa sila at magpa-picture.
Kahit simpleng sulyap, ngiti, tango o kaway ay masisiyahan na sana sila, kung hindi talaga puwedeng lapitan upang makapagpakuha ng litrato sa kanila.
Ayon naman sa ulat ng Balita Online, tila "dedmadela" si Deanna sa karambola ng mga nagbibigay-puna kontra nagtatanggol sa kaniya dahil nagtungo pa siya sa El Nido, Palawan kasama ang partner na si Ivy Lacsina.
Simple subalit sweet naman ang caption ni Boss D sa kaniyang Instagram post.
"Making the night special just by being in it," aniya.

Sa Instagram story naman ni Ivy, ibinahagi niya ang litrato nila ni Boss D habang nasa beach.
"To my adi, maraming nangyayari ngayon pero tandaan mong andito lang ako para samahan ka sa lahat ng laban mo. Always proud of you! I'm always here for you at yung mga totoong nagmamahal sa'yo at nakakakilala sa'yo! I wav you!" mensahe ni Ivy sa kaniyang partner.
No comments:
Post a Comment