Tuwing sumasapit ang Pasko, asahan nang nasa unahan ng isip ng mga bata ang kanilang mga ninong at ninang. Makatatanggap kaya sila ng regalo o aginaldo? Excited na ang maraming bata diyan.
Sa pangkalahatan, ang tungkulin ng mga ninong at ninang ay maging gabay sa inaanak nila at magbigay ng magandang halimbawa lalo na kung nawalan ito ng magulang.
Ngunit nalilihis yata sa tamang landas ang ibang magulang na nang-oobliga na sa kanilang mga kumare't kumpare ng regalo o aginaldo?
Isa si MaryJane Jimenez sa mga nakaranas ng ganitong sitwasyon na nalalagay na siya sa alanganin.

Ang kanyang ibinahaging screenshot sa Facebook group na 'Homepaslupa Buddies 3.0' kaugnay sa magulang ng kanyang inaanak ay umani ng iba't-ibang komento mula sa mga kapwa netizens.
Base sa kanilang convo, nagde-demand kasi ito ng perang aginaldo para sa kanyang inaanak.
"Ano po ba dapat gawin sa ganito? balak ko sana regaluhan kaso demanding nanay taguan na lang sana habang buhay no?" aniya sa kanyang caption.
Ayon kay Maryjane, simula noon pa man ay lumalapit na ito sa kanya pagdating sa pera at nahihiya naman daw siya na tumanggi dito. Dagdag pa niya, binebentahan rin siya nito ng mga gamit.
Dumating sa punto na tinatanggihan na ito ni MaryJane dahil hindi ito nagbabayad ng utang.

Ngayon ngang nalalapit na naman ang Pasko ay nagparamdam muli ito sa chat.
"Ngayon palapit na 'yung pasko bigla siyang nag-message ulit saken na ninang pamasko nga daw so alam ko naman 'yun nagpe-prepare din naman ako gift para sa mga inaanak ko pero siya lang kase bukod tanging nag-chat saken ng ganon na like baket niya ako pinangungunahan sa ibibigay ko or bakit need n'ya mag-demand siyempre kapag ano ka sa financial parang mape-pressure ka so nag-decide akong i-post 'yung convo namin para sa tips kung tama ba na ganon 'yung nanay tutal 'di ko naman siya close dapat medyo nahihiya 'yun diba," aniya sa 'Philippine Star'
Maraming netizens naman ang nagpahayag ng kanilang saloobin at naka-relate sa post ni MaryJane.

"Isauli mo na lang 'yung kandila. Nakakainis ang mga magulang na ganyan. Kumuha ng ninong at ninang sa binyag para gawing alkansya ang anak. Sa mga magulang, hindi negosyo ang binyag, birthday, pasko at kung anu ano pa. Responsibilidad ninyo na palakihin at ibigay ang mga kailangan ng anak niyo. Gabay ang binibigay ng ninong at ninang. At sila ang tatayo bilang pangalawang magulang kapag tigoks na kayo."
"Walang prob if mas prefer na cash pero 'wag naman sana obligahin ang ninang na magbigay. If gift ang gusto eh di thank you!"
Maging sa binyag mismo at unang bonggang kaarawan ay may mga magulang na nag-oobliga sa mga ninong at ninang na sagutin ang cake, ang lechon, o ano mang maaari nitong 'i-assign'. Huh! Gusto ng bonggang selebrasyon, sa iba naman pinasasagot?
Dahil sa ganitong kaugalian ay tila nawawalan na rin ng saysay sa mga ninang at ninong kung ano ba talaga ang papel ng mga ito sa mga inaanak nila.
No comments:
Post a Comment