"No family is perfect."
Ang official trailer ng MMFF 2022 entry na 'Family Matters' na ibinahagi ng CinemaBravo sa kanilang Facebook page ay humakot na ng milyong-milyong views. Ito ay bukod pa sa ibang social media pages na nagbahagi na ng trailer at humaplos sa napakaraming netizens.

Bukod sa mga beteranong aktor na siyang pangunahing tauhan sa MMFF entry na ito, ang tema ng pelikula ay talagang hahaplos sa mga manonood dahil sa timeless nitong mensahe para sa bawat miyembro ng pamilya - ang 'basic unit of society.'
Relatable, 'ika nga, sa mga tunay na sitwasyon sa mga pamilya. Mahihinuha mo na ang realidad sa pagtanda ng bawat isa, ang pag-usbong ng mga isyu, mga hindi pagkakaunawaan na sabi nga ay bahagi na raw ng buhay na minsan ay tila hindi maiwasan.
Isa ka mang magulang, anak, o kapatid, tiyak na may mga eksenang sasapol sa iyo o gigising upang mas laanan mo ng panahon kung mayroon ka mang pagkukulang sa inyong pamilya. Hitik sa moral lessons kaya't hindi nakapagtatakang humatak rin ng libo-libong komento ang trailer saan man ito inupload.

Eto ang dekalidad, ang ganda ng soundtrack,ng script at perfect ang arte ng mga artista basta ako eto panunuorin namin ng buong family namin sa christmas day.. trailer pa lang kabog na kabog na.
Maghanda na ng 5 box na tissue. Trailer pa lang nakakaiyak na paano pa kapag pinanood na nang buo? For sure Marami tayo mari-realize after mapanood ito. At sana ma-appreciate natin ang pamilya natin palagi lalo na ang magulang natin.
Totoo walang pamilyang perfect, diyan sa movie Ang daming anak pinagpapasahan ang magulang, eye opener na sa atin pag tanda mag-ipon din para sa sarili, asikasuhin ang pension. Mahirap umasa sa mga anak na pagpapasapasahan ka.

Habang pinapanood mo ramdam mo lahat ng kanilang pinagdaraanan ... especially yung fear of getting older ... What a powerful movie from a great actors and actresses ... Ensemble Performance talaga !!!
"Your phone will always be there, but i won't be." That line hits deep.
Bibihagin tayo nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, Agot Isidro, JC Santos, James Blanco, at Nikki Valdez sa pelikulang ito na ininirehe ni Nuel Crisostomo Naval.
Ang musikang "Kahit Maputi na Ang Buhok Ko" sa background ay naghahatid pa sa atin ng nostalgic feeling at emosyon. Tara na't maki-'Family Matters' tayo sa Pasko.
Panoorin:
No comments:
Post a Comment