DavaoPlus

Friday, 13 January 2023

[New post] ₱1,000-bill polymer banknote na di-sinasadyang naplantsa ng netizen, papalitan ng Central Bank

Site logo image Joyce Sazon posted: ""Pera na, naging bato pa?" Masaklap ang naranasan ng netizen na si "Jonathan De Vera" matapos niyang hindi sinasadyang maplantsa ang isang libong pisong polymer banknote na nasa loob pa pala ng bulsa ng kaniyang cargo pants. Nakaligtaan na niya ito kay" Definitely Filipino News

₱1,000-bill polymer banknote na di-sinasadyang naplantsa ng netizen, papalitan ng Central Bank

Joyce Sazon

Jan 14

"Pera na, naging bato pa?"

Masaklap ang naranasan ng netizen na si "Jonathan De Vera" matapos niyang hindi sinasadyang maplantsa ang isang libong pisong polymer banknote na nasa loob pa pala ng bulsa ng kaniyang cargo pants. Nakaligtaan na niya ito kaya't hindi na niya naialis nang labhan ito.

"Isang nakakaasar na kaganapan. Basahin at intindihin, wag tularan," caption niya sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Enero 10.

"Naiwan ko sa bulsa ng pantalon ko ang 1000 na polymer. It so happen na nagplantsa ako. Nakapa ko lang nung binaligtad ko pantalon ko. Ito ang nangyari."

 

Makikita sa kanyang post ang larawan ng naturang polymer banknote na lukot-lukot na. Aniya, mukhang hindi na raw ito mapapalitan sa bangko at magiging souvenir na lamang ito. Ipandadagdag pa naman daw sana niya ito sa kanyang enrollment fee.

"Sadly di raw tatanggapin sa banko. In short souvenir ko na 'to. Moral lesson: wag ilalagay ang pera sa pantalon kundi sa wallet."

Sinabi sa ulat ng Balita Online na si Jonathan ay Communications and Accounts Specialist at nakatira sa lungsod ng Caloocan.

Ang kanyang post ay umani ng sari-saring reaksiyon at komento mula sa social media users. May mga naawa sa kaniya, at may natawa na lamang sa nangyari. Mayroon ding mga nainis dahil napakaselan daw pala ng bagong bill na inilabas ng Central Bank kumpara sa dating pera.

May ilan din na hindi kumbinsido sa kaniyang sinasabi. Fame whore daw, pang-content lang o panghatak ng views. May mga nag-tag pa sa BSP para ito ay makasuhan. Mayroon din namang mga nagtanggol pagkat ito'y aksidente lamang.

 

Sa mga nagduda, ipinakita niya ang isang video kung paano niya naplantsa ang pera. Nasa malaking bulsa pala ito ng cargo pants niya kaya't nakaunat nang buo sa loob ng isang sobre.

Sa panayam ng GMA News, isinalaysay niya na ang polymer bill ay may kasamang dalawa pang lumang 1K bill ngunit hindi naman daw nasira. Bagkus nagmukha pa nga raw bago dahil sa pagkakaplantsa.

Naipahayag din niya na may iba pang nag-message sa kanya na nakaranas din ng kaparehong insidente.

Dagdag pa niya, mas maganda pa raw ang dating quality ng lumang pera. Bagama't mas secured itong bago, lubhang mas prone pala ang polymer bills sa accidents.

Samantala, mayroon nang tugon ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa nangyari sa kanyang pera. Good news ito dahil papalitan daw ng BSP ang kanyang na-damage na pera.

Dati nang payo ng BSP at muling ipinaaalala na bawal plantsahin ang polymer bill o i-expose, ilapit sa anumang mainit. Hindi rin umano ito puwedeng i-expose sa matapang na kemikal gaya ng bleach. Bawal din itong i-staple, i-rubber band, o sirain ang windows. Makikita ang kumpletong guidelines sa website ng BSP.

Panoorin ang video na ibinahagi ng GMA News:


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/01/%e2%82%b11000-bill-polymer-central-bank/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at January 13, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (12)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.