Nagpahayag ng suporta si Alex Gonzaga sa kaniyang ate na si Toni Gonzaga sa papalapit nitong concert bilang pagdiriwang ng ika-20 taon nito sa showbiz.
Sa isang Instagram post ay nagbahagi si Alex ng lumang larawan nila ng kapatid at sinabing hindi nila akalain na balang araw maaabot ni Toni ang milestone na ito sa industriya.

"Hi ate, sino kaya makakapag-isip sa atin nitong mga panahon na after school nagpapapicture tayo sa studio sa mall na aabot ka ng 20 years sa showbiz industry," caption dito ni Alex.
"Hindi man tayo mukang artistahin hihihihih pero dahil sa talent, galing, faith at pagpupursigi nyo ng mga daddy naabot mo ang milestone na to."
Nag-imbita rin siya sa parating na concert ni Toni. "We are sooo proud of you!! Magkikita kita tayo sa jan 30 sa araneta!!! Masaya to!!! See you all there! ps: Walang magcocomment sa kilay ko dito hindi pa sya tumutubo dyan bata pa ih," biro pa niya.

Sa isang Instagram post ay inanunsyo ni Toni na sa kaniyang kaarawan sa Jan. 20 ay ipagdiriwang niya rin ang dalawang dekada niya sa showbiz.
"I AM grateful to be able to do this on my birthday Jan. 20, 2023! I will be celebrating my 20th anniversary at the Araneta Coliseum," pahayag niya.
"What a journey!! Thankful for the past, excited for the present and looking forward to the future! Hope to see you there!"

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Toni na dahil sa pagganap niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Teacher ay na-inspire siyang bumalik sa pag-aaral.
Ngayong 2023, gusto niya raw mag-aral tungkol sa batas dahil napapahanga siya ng mga taong nakakausap niya na may kaalaman dito.
"Next year, that's my dream… babalik ako sa school. 'Yun ang nakita ko sa sarili ko. 'Yan ang target ko this 2023 – mag-aral dahil sa pelikulang ito. I want to go back to school because when we were doing this film, nag-re-research ka at nakikita mo na it's really possible and ang daming bumabalik sa school," sabi ng aktres sa isang panayam noong Disyembre.
No comments:
Post a Comment