Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng mahigit apat na dekada, naiuwi ng Pilipinas ang kauna-unahang titulo ng bansa bilang kampiyon sa World Universities Debating Championship.
Itinanghal na grand champion ang debate team ng Ateneo de Manila University (ADMU) na binubuo nina David Africa at Tobi Leung matapos talunin ang kanilang katunggali mula sa Sofia University ng Bulgaria, Tel Aviv University ng Israel, at Princeton University ng Amerika.

Ginanap ang naturang tournament mula Disyembre 27 hanggang Enero 4 sa Madrid, Spain. Ang naturang torneyo ay itinuturing ng marami bilang 'Olympics of debating'.
Ang paksa na kanilang pinagtalunan ay tungkol sa paniniwalang pilosopiya na 'Ubuntu'; isang makalumang pilosopiya sa Aprika na ang ibig ipakahulugan ay "the belief in a universal bond of sharing that connects all humanity".
Umani naman ng pagbati sina Africa at Leung mula sa Ateneo Debate Society.

"The Ateneo Debate Society is proud to congratulate Ateneo A, David Africa and Toby Leung, for winning the World Universities Debating Championship," ayon sa Facebook page ng kanilang grupo.
Bagama't ito umano ang unang pagkakataon na nagkampiyon ang mga Pinoy sa torneyo, ito rin ang pangatlong pagkakataon nitong mga nagdaang taon na nakaabot sila sa finals; isang tagumpay na hindi pa natutumbasan ng kahit anumang kolehiyo o unibersidad sa bansa.

"What an amazing way to start the year! We're excited to see what more 2023 has in store for the Ateneo Debate Society," wika pa ng post.
Maliban kina Africa at Leung, kabilang din sa ipinadala ng unibersidad bilang bahagi ng kanilang debating team sina Quintin Chua at Aly Barranda (Ateneo B); Bern Advincula at Zen Tiangco (Ateneo C); at mga hurado na sina Bea Cuizon at Paolo Taino na siyang kumatawan sa Pilipinas at sa kanilang organisasyon.
Congratulations!
No comments:
Post a Comment