DavaoPlus

Sunday, 29 January 2023

[New post] Guro, hinangaan dahil may pa-‘drop your phone, pick a snack’ sa advisory class

Site logo image Richard De Leon posted: "Sinasabing ang mga guro ay tumatayong pangalawang magulang ng mga mag-aaral kapag sila ay nasa paaralan. Bilang mga "magulang," likas lamang na alalahanin ang kapakanan ng mga "anak." Gagawin ang lahat para sa kanilang ikabubuti. Kaya naman, hinangaan " Definitely Filipino News

Guro, hinangaan dahil may pa-'drop your phone, pick a snack' sa advisory class

Richard De Leon

Jan 30

Sinasabing ang mga guro ay tumatayong pangalawang magulang ng mga mag-aaral kapag sila ay nasa paaralan. Bilang mga "magulang," likas lamang na alalahanin ang kapakanan ng mga "anak." Gagawin ang lahat para sa kanilang ikabubuti.

Kaya naman, hinangaan ng mga netizen ang gurong si Teacher Flerida Capistrano Dela Cruz, 39 taong gulang at residente sa Project 4, Quezon City, at guro ng  asignaturang Filipino 9 sa Jose P. Laurel Sr. High School, dahil sa kaniyang libreng snacks para sa advisory class na nakatakdang kumuha ng kanilang pagsusulit.

Ayon sa ulat ng Balita Online, ibinahagi ni Teacher Flerida ang isang larawan kung saan makikita sa ibabaw ng kaniyang kinauupuang teacher's desk ang dalawang kahon.

Ang unang kahon ay may label na "Drop your phone" habang ang pangalawang kahon naman ay may nakalagay na "Pick a snack" matapos isilid ng mag-aaral ang kanilang cellphone sa unang kahon.

Ayon sa panayam sa kaniya, panuntunang pangklase nila na ilalagay sa kahon ang cellphones o gadgets ng mga mag-aaral habang sinasagutan ang pagsusulit upang hindi nila ito magamit sa "cheating." Kaya nga't may pa-hashtag pa siyang "#TapatDapat."

Upang mahikayat naman ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pagsagot, naisipan ng gurong tagapayo na bumili ng snacks at ilibre sila.

Alam kasi ng butihing guro na marami sa kanila ang pumasok na hindi pa kumakain o kumakalam ang sikmura nang mga oras na iyon.

"Naisipan ko magpa-snack during exam para ma-motivate ang mga bata na magbasa at huwag madaliin ang pagsagot sa pagsusulit. Magsagot sila nang buong katapatan at pagsisikap. (kaya may hashtag po na #tapatdapat)," saad ni Teacher Flerida.

"Pangalawa para ipagkatiwala nila sa akin ang kanilang cellphone at wag itong gamitin during exam. (nooong 1st quarter exam nila confiscated din naman ang kanilang cp during exam kaya lang walang free snack. Ngayon medyo level up na, may kapalit na po haha)," dagdag pa niya.

Adbokasiya rin ng guro ang "Sharing is caring."

"Pangatlo, para i-promote sa kanila ang 'sharing is caring.' Ako po ang adviser at 1st period class teacher nila, madalas po may mga nahuhuli sa klase… minsan yung iba di pa kumain, simple way ng pagmamalasakit at pagbabahagi ng blessing ni Lord."

"Sa ganito din pong paraan ay makikita po ng mga mag-aaral na kaming mga guro ay hindi lang nagtuturo… kami ay tunay na pangalawang magulang na handang magbigay ng higit pa sa kaalaman."

Marami sa mga kasalukuyan at dating mga mag-aaral ni Teacher Flerida ang natuwa, humanga, at lubos siyang ipinagmamalaki sa lahat.

Mabuhay ka, Teacher Flerida! Sana ay dumami pa ang mga kagaya ninyong guro!


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/01/guro-hinangaan-dahil-may-pa-drop-your-phone-pick-a-snack-sa-advisory-class/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at January 29, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • January 2026 (21)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.