Muling nagbigay ng update ang aktres na si Kris Aquino tungkol sa kaniyang kalagayan.
Nag-iwan ng komento si Kris sa Instagram fan page na Kris Aquino World na nagbahagi ng larawang ipinost ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste nang dalawin niya si Kris sa US noong New Year.

Ani Kris, iniiwasan niya talagang magbahagi ng mga larawan niya dahil balak niyang ibahagi ang lahat ng kaniyang mga pinagdaanan kapag nalagpasan na niya ang karamdaman upang ipakitang hindi siya sumuko.
"I've avoided posting any pics of myself because I've been privately chronicling my journey -- hoping na after the many months na titiisin ko ang immunosuppressant therapy... I'd be able to show all of you in a documentary- na hindi ako SUMUKO, sa lahat ng kinailangan pagdaanan, tinuloy ang LABAN," sabi niya.

Nagbahagi rin si Kris ng ilang detalye mula sa pagbisita sa kaniya ni VG Leviste. "This picture was from New Year's Day- VG Marc was kind to visit us kahit malayo kami from where their family stays… walang mahanap na polka dots na shirt, sweater, hoodie or anything si Alvin- 'di siguro uso here in the US… thank God, sanay na kayo na ever present yung pearls ko."
Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para sa kaniyang pamilya, lalo na at kailangan nila ito ngayon.

"THANK YOU for keeping us in your prayers- next week we super need MORE especially for our doctors. Bimb needs to go in for a few nights confinement for his full medical assessment (he & kuya had their primary immunodeficiency genetic testing done- because both of them have the same blood type as me, like all my siblings, & our mom)," sabi niya.
Marami ang natuwa nang magbahagi si VG Leviste ng mga larawan kasama si Kris dahil napansin ng netizens na tila bumubuti na ang kalagayan nito.
No comments:
Post a Comment