DavaoPlus

Saturday, 7 January 2023

[New post] Lechon de ‘letse’? Netizen nawindang sa dumating na litson; hilaw at may laman-loob pa?

Site logo image Joyce Sazon posted: "Sa anumang okasyon o selebrasyon, madalas na inaasam-asam natin na sana ay may nakahaing lechon na patatakamin ka sa lutong ng balat at linamnam ng laman na sasamahan pa ng sarsa na napakasarap gaya ng Mang Tomas. Ngunit ilang araw matapos ang masayang" Definitely Filipino News

Lechon de 'letse'? Netizen nawindang sa dumating na litson; hilaw at may laman-loob pa?

Joyce Sazon

Jan 8

Sa anumang okasyon o selebrasyon, madalas na inaasam-asam natin na sana ay may nakahaing lechon na patatakamin ka sa lutong ng balat at linamnam ng laman na sasamahan pa ng sarsa na napakasarap gaya ng Mang Tomas.

Ngunit ilang araw matapos ang masayang pagdiriwang ng Bagong Taon, naging agaw-pansin ang post ng isang netizen kaugnay sa lechon na  kanilang inorder na diumano'y nagpa-bad trip sa kanila.

Sino ba naman ang hindi sasama ang loob kung ang nakatatakam sanang order na inaasahan mo ay hilaw pa pala, duguan at may lamang-loob pa?  OMG talaga ang masasambit mo siguro.

Litsong naletse?

Na-shock ang isang netizen at pamilya nito nang matanggap ang lechon na in-order nila at binayaran sa halagang P13,500. Ang nakagigimbal kasi ay halos duguan pa umano ang loob nito at malabong makain ang laman dahil hindi ito nailuto nang husto at maayos. Sa madaling salita, hilaw pa talaga.

Nanlulumong kuwento ni Michelle Halasan:, may nag-alok daw sa kanya doon sa kanilang lugar. Aniya, "nasa 60 kilos daw. 12k tapos +1500 sa magle-lechon daw."

Pumayag umano ang ginang dahil bukod sa malapit lang sa kanila, nagdadala daw 'yung nag-alok ng mga baboy na katay na para pang-ulam. Dagdag pa nito, regular customer na sila ng kanyang kausap.

Nang dinala na ang kanilang order na lechon, nagimbal umano sila matapos ilagay sa kanilang mesa ang lechon at umagos ang dugo noong hinila na ang tubong ginamit sa paglilitson nito.

Pagbabahagi ni Michelle,  noong hiniwa ang lechon, hilaw na hilaw pa talaga ito. "Tapos nung hinati 'yung upper part mula leeg at ulo ay may naiwan pa doon na laman-loob na hilaw," paglalarawan niya.

Napatanong tuloy siya,  "Okay lang kaya na bawiin ko 'yung 1500 para dun sa hiningi nila na para daw sa maglelechon?"

Nakapanghihinayang na itapon at hayaang masira. Kinabukasan ay pinaasikaso niya sa kanyang asawa ang muling pagluluto nito. Sila na lang ang nag-litson at umabot daw ng anim na oras bago naluto nang husto at natusta ang balat. Ang tinding aberya at abala ang nangyari.

Nakapanlulumo talaga kaya't sabi ng ginang, "Di ako talaga maka-move on. First time ko magpa-lechon tapos ganito nangyari."

Bumuhos ang napakaraming komento at reaksyon sa iba't ibang FB pages na nagbahagi ng post ng ginang.

Nabudol daw ang ginang, pinagpraktisan ang kaniyang order, minadali ang pagluluto at iba pa na idinaan na lamang sa 'jokes' ang pagpuna.

May mga nagpayo na sana ay ibinalik nila ito at nagpa-refund na lamang. May mga nagbiro rin na mahaba-habang kainan ng lechon paksiw ang kauuwian nito.

May mga naglabas din ng sama ng loob na mabuti pa raw sila at may natanggap na lechon kahit hilaw pa. Sila daw kasi ay na-scam pagkat walang order na dumating - hilaw man o luto - bagamat bayad na.

Samantala, mayroon din palang iba pa na hilaw rin ang natanggap na lechon nitong nagdaang Disyembre 2022 at hindi pa kaaya-aya ang itsura. Binansagan pa ito ng netizens ng 'HOPKOK" (half-cooked).


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/01/lechon-letse/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at January 07, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (7)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.