Sa gitna ng mga bumabatikos sa pagkakaroon nila ng anak sa maagang panahon, nananatiling buo ang samahan ng magkaparehang sina Raffa Castro at Joaquin Domagoso, na sa pagkakaibigan muna nagsimula bago nauwi sa isang intimate relationship.

Sa kanyang panayam sa seasoned journalist na si Leo Bukas ng PUSH, ikinuwento ni Raffa ang tunay na istorya nila ni Joaquin, na anak ng dating Manila Mayor na si Francisco "Isko Moreno" Domagoso. Taliwas daw sa bintang ng marami na easy-to-get ang young mom, matiyaga raw itong niligawan ng aktor na itinuturing niyang "best manliligaw".
"Matagal na kaming magkakilala ni Joaquin. Magsi-sixteen pa lang ako when I met him. Naging intimate na kami during our fifth year na magkakilala," pagbabahagi niya. "Best friends talaga kami and we met through a mutual friend, and then ever since no'n naging close na kami. He's the only guy na talagang nire-respect ako and parang nando'n parati for me."
"Niligawan pa niya ako and siya yung best manliligaw ko ever," diin niya.

No pressure, pure joy
Sa ngayon ay nakatutok ang dalawa sa kanilang anak na si Scott Angelo Domagoso. Suportado rin sila ng kanilang mga magulang sa kung magpapakasal man sila o hindi sa isa't isa. Maging ang ama ni Raffa, ang actor-turned-news anchor na si Diego Castro, ay hindi raw naglalagay ng pressure kay Joaquin sa aspeto ng pagpapakasal at pagsasama sa iisang bubong. Sapat na raw sa kanya ang pagiging responsable ng dalawa. Ayaw daw nitong i-pressure ang mga ito at hayaan na lamang kung magpaplano nang magpakasal.
[RELATED: Ama ni Raffa 'di pine-pressure si Joaquin na pakasalan ang anak, 'Sabi ko, 'When you're ready!"]
"Ayoko silang i-pressure kasi ang importante yung family ng anak ko at family ni JD (tawag kay Joaquin) masaya. Kasi siyempre, may mga problems na kailangang ayusin mga bata pa sila. Ang importante nando'n ako for them, nando'n si Isko for them kahit hindi pa po kami nagkikita okay na yon," aniya.
"They asked me kung anong opinion, sabi ko kay JD na it's because you got my daughter pregnant you're force to get married," pagpapatuloy niya. "Sabi ko, 'When you're ready!' Kasi alam ko 'yan, nangyari sa akin 'yan, e. So, I don't want them to commit the same mistakes."

No comments:
Post a Comment