[New post] ‘Regular sustento na lang sana’: Xian Gaza may open letter kay Paolo Contis
Joyce Sazon posted: "Hindi nakatiis si Christian 'Xian' Gaza at bumuo ito ng open letter para sa aktor na si Paolo Contis na inuulan ng batikos dahil sa pag-amin nito na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kay Lian Paz at pati na rin kay Summer na anak nila " Definitely Filipino News
Hindi nakatiis si Christian 'Xian' Gaza at bumuo ito ng open letter para sa aktor na si Paolo Contis na inuulan ng batikos dahil sa pag-amin nito na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak kay Lian Paz at pati na rin kay Summer na anak nila ni LJ Reyes.
Kinumpirma ng aktor na na hindi niya nabibigyan ng sustento ang tatlong anak niya ngunit may itinatabi raw siyang ipon na balang araw ay gusto niyang direktang ibigay sa mga ito.
Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda naibunyag ni Paolo na may mga dahilan siya kung bakit hindi siya nagsusustento, ngunit ayaw na raw niya itong palakihin pa.
Ito ang pinuna ni Gaza, isang internet personality at businessman, na 'sumasideline' bilang pambansang marites, ayon sa makwekwela niyang post na minsan ay may halong intriga.
Panimula niya sa kanyang post, "OPEN LETTER TO MR. PAOLO CONTIS".
Ito umano ay hindi nagmumula sa puntong suklam kundi sa punto ng isang lalaki na tulad ni Contis ay "may dalawang ex na naiwanan ng anak."
Naiitindihan niya umano kung bakit hindi ito nagbibigay ng sustento dahil may mga personal itong dahilan. Aniya, "Maaaring lulong sa sugal si babae or sinusunog lamang niya ang pera sa mga luho o baka naman may lalaki siya na pinagkakagastusan.
'Hindi napupunta sa kapakanan ng mga anak mo yung pera. Those are the possibilities. Nauunawaan kita. That's why pinili mo na lang mag-ipon ng separate savings account para sa mga bata dahil wala kang tiwala sa dalawang babae. I understand that."
Nagbahagi rin si Gaza ng isang maikling kuwento kay Contis.
"Way back November 2021, nag-away kami nung nanay ng babae kong anak. Social media drama. Siniraan niya ko sa publiko without a proper basis. Post-partum depression. Her mental health is not okay that time. We didn't communicate for 8 consecutive months hanggang sa nag-reach out na lang siya sa akin at humingi ng tawad.
From December 2021 to July 2022 na hindi kami nag-usap, my laywer is sending a regular sustento to her bank account every first week of the month."
Ano ang punto na tinutumbok dito ni Gaza?
Pagpapatuloy niya, "Paolo, no matter what issues you have with their moms, kesyo hindi napupunta sa tama yung sustentong ipinapadala mo, obligasyon mo pa ring magpadala ng fixed amount every month para sa araw-araw na gastusin ng mga bata.
"Kung saan ito gagastusin ni babae eh is not your problem anymore. Labas ka na dun. Diskarte na nila yun. Iniwanan natin sila ng mga anak na papalakihin ng ilang taon at araw-araw aalagaan habang tayo ay nagbubuhay-binata eh that's the least that we can do for them."
Pagtatapos ng kanyang mensahe kay Contis, "Sobrang hirap maging ina jusko! Regular sustento na lang sana."
Samantala, maraming netizens naman ang sumang-ayon kay Gaza sa pinupunto nito kay Contis, lalo na mga single moms na nakaka-relate dito.
"Agree! Yung may katuwang ka na nga sa pag-aalaga mahirap na eh, yung maging single mom pa kaya. Laban sa mga single mommies out there, sobrang tapang ninyo."
"Sana lahat nang tatay katulad mo Pag dating sa Pagsusustento. Doesn't matter how small or big of the amount ang importante te is marunong pa din ganpanan ang obligation sa anak. Unlike sa tatay ng mga anak ko ang galing sa mga anak ng iba, pag dating sa anak niya ni sentimo, wala, nagagawa pa akong utangan haha.. I'M SO PROUD dahil support ko ang mga anak ko at nagbabanat ako ng buto..Single mom!"
"Wow ang ganda ng mindset mo. isa kang mabuting ama Xian at isang halimbawa sa mga kalalakihan na gusto maging Padre de Pamilya."
No comments:
Post a Comment