DavaoPlus

Sunday, 15 January 2023

[New post] Trina Candaza nagbigay ng payo sa mga kagaya niyang single mom

Site logo image Jam A posted: "Ibinahagi ni Trina Candaza na may mga natatanggap siyang mensahe mula sa mga kapwa babae na nagtatanong kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na umalis sa relasyon nila ng dating partner na si Carlo Aquino. Ani Trina sa isang panayam ni Ogie Diaz," Definitely Filipino News

Trina Candaza nagbigay ng payo sa mga kagaya niyang single mom

Jam A

Jan 15

Ibinahagi ni Trina Candaza na may mga natatanggap siyang mensahe mula sa mga kapwa babae na nagtatanong kung paano siya nagkaroon ng lakas ng loob na umalis sa relasyon nila ng dating partner na si Carlo Aquino.

Ani Trina sa isang panayam ni Ogie Diaz, sinubukan niya pang ayusin ang relasyon nila ng aktor dahil gusto niyang bigyan ng kumpletong pamilya ang anak ngunit hindi niya na rin kinaya.

Dagdag niya pa, ayaw niyang lumaki ang anak na nakikita siyang malungkot dahil alam niyang maaapektuhan din si Mithi.

"Ako, nakapag-decide ako umalis kasi tiningnan ko si Mithi tapos sabi ko, deserve ba ni Mithi yung ganitong version ko na malungkot, hindi masayang nanay? Kasi it will also affect my daughter kasi makikita niya 'yun eh. Hindi masaya 'yung nanay ko, laging malungkot, laging negative. Kaya sabi ko, kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. Ayokong lumaki si Mithi na ganito ang nakikita niya sa nanay niya, ayoko siyang maging ganito," pahayag ni Trina.

Payo niya naman sa mga single mom, lakasan ang kanilang loob dahil sa kanila rin kukuha ng lakas ang kanilang mga anak.

"Message ko lang sa lahat ng single moms, kung nahihirapan kayo minsang magdesisyon kung ano ba ang tama, tingnan n'yo lang yung anak nyo, makakapag-desisyon kayo nang tama. And lakasan n'yo lang yung loob n'yo kasi sa inyo lang din kukuha ng lakas yung mga anak nyo kasi kayo yung laging magkasama."

Hindi niya rin napigilan ang luha nang tanungin kung ano ang mensahe niya sa anak. "If ever mapanood niya, sana maintindihan niya 'tong interview na 'to and sana ma-appreciate ni Mithi 'yung efforts ko para mabigyan siya ng magandang future saka 'yung pagprotekta ko sa kaniya."

Inusisa rin siya ni Ogie kung bukas ba siyang magmahal muli.

"Pinagdadasal ko 'yan, Mama Ogs. Sabi ko talaga kung hindi para sa akin 'yung lalaki, 'wag ko nang ma-meet. 'Wag nang mapunta sa buhay ko kasi ayoko na ng heartbreak."

Panoorin:


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/01/trina-candaza-nagbigay-ng-payo-sa-mga-kagaya-niyang-single-mom/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at January 15, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (12)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.