Sa gitna ng kaniyang pinagdadaanan ngayon, nahikayat si Vhong Navarro na sumali sa maliit na worship group nina Ogie Alcasid.
Sa kaniyang Instagram kamakailan, ibinahagi ni Ogie ang larawan kung saan makikita rin si Vhong Navarro kasama ang kanilang grupo.

"Our 11 year old small group!! Ty Jesus for the different testimonies of faith that we learn from each other," caption ng mister ni Regine Velasquez sa kaniyang post.
"Only by your grace dear Lord! Ty pareng @vhongx44 for joining us also. Hallelujah!!," dagdag pa ng singer songwriter.
Naglapag naman ng praying emoji si Vhong sa comment section bilang reaksiyon niya sa naturang post.

Sa sumunod pang post ni Ogie, binati niya ang kaibigan sa kaarawan nito habang makikita muli ang dalawa na magkasama at nagtatawanan sa loob ng isang gym at tila naghihintay para makapaglaro.
"The joy of having a brother for life such as this man is priceless. Happy bday my bro. The Lord bless you and keep you. @vhongx44," caption naman dito ni Ogie.
Sina Ogie Alcasid at Vhong Navarro ay nagkasama sa programang 'Its Showtime' ng Kapamilya network; si Ogie bilang hurado, habang si Vhong naman ay isa sa mga co-host ni Vice Ganda.

Pansamantalang nakalaya si Vhong mula sa piitan sa Taguig noong Disyembre 6 matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa ng halagang P1-M namay kaugnayan sa dalawang kasong isinampa laban sa kaniya ni Deniece Cornejo.
BASAHIN: Vhong Navarro, Sphencer Reyes muling nakasama ang Streetboys
Hindi pa masyadong aktibo sa social media ang komedyante at wala ring tiyak na petsa kung kailan siya muling mapapanood sa 'It's Showtime'.

Samantala, bago matapos ang Disyembre ay naghain si Deniece ng Motion for Reconsideration para baliktarin ng Taguig court ang nauna nitong desisyon na pumapayag kay Vhong na makapagpiyansa.
Kalakip rin ng naturang MR ay ang hiling nito na pabalikin sa kulungan ang comedian-host at mag-inhibit sa kaso ang nasabing korte.
Nakatakda na sa Pebrero 16 ang susunod na pagdinig sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment