DavaoPlus

Saturday, 14 January 2023

[New post] Wala pang computer! Exam sa asignaturang Typing noon, binalikan ng netizens

Site logo image Joyce Sazon posted: "Napabalik-tanaw ang netizens na naka-relate sa isang post na ibinahagi sa Nostalgia Philippines Facebook page kamakailan. Makikita kasi sa larawang ibinahagi ang mga mag-aaral na nakapiring ang mga mata habang tumitipa sa keys ng makinilya sa paaralan." Definitely Filipino News

Wala pang computer! Exam sa asignaturang Typing noon, binalikan ng netizens

Joyce Sazon

Jan 15

Napabalik-tanaw ang netizens na naka-relate sa isang post na ibinahagi sa Nostalgia Philippines Facebook page kamakailan.

Makikita kasi sa larawang ibinahagi ang mga mag-aaral na nakapiring ang mga mata habang tumitipa sa keys ng makinilya sa paaralan. Ganoon umano ang eksamin sa asignaturang Typing noong araw. Mastery ang hinahabol sa mga mag-aaral; isang training na kapag nagawa mo nang tama ang pagtitipa nang hindi ka nakatitig sa mga letra ng makinilya ay isang skill na.

Kung ka-dekada ka ng mga 90s pababa, maaalala mo marahil na may mga tinatawag na typing exercises at typing lessons kung saan ay itinuturo din kalaunan ang pagmamakinilya ng mga liham pang-tanggapan o korespondensiya opisyal.

Bahagi na ng klase ang paglilibot ng mga guro noon na kadalasan ay may hawak na ruler o maliit na patpat para 'pampitik' sa mga estudyanteng naliligaw ang daliri o kaya'y gumagamit ng 'tuldok system' kung tawagin. hahaha  Opo, relate ako diyan.

Ayon kay ka-NP Popoy Peros, "Ang hirap ng exam nuon sa typing, nakapiring. Hindi ko inabot ang ganyan pero nag makinilya ako professionally nuong 1998 gamit ang "tuldok system" ika nga at natuto lang akong gumamit ng computer year 2005 na, buti nakahabol pa."

Maraming napabalik-tanaw sa panahong ang mga tiklado pa ng makinilya ang gamit. Naging asignatura ito sa maraming kurso noon at maging sa high school ay itinuro na rin bilang isang skill na mapakikinabangan.

"Inabot ko yan (laugh emojis) pawis n pawis ako sa subject na yan."

"That's the way it was in high school in the 70's. That's so correct."

"Yung nakaka antok na tunog ng type writer. "

"Inabot ko to 1995. Sobrang terror ng prof ko sa typing. lol"

""The quick brown fox jumps over the lazy dog" Ang final exam, dapat walang mali. "

May mga nagpasalamat naman sa training na naranasan sa kanilang naging guro. Marami ring kababayan sa ibang bansa ang napakinabangan ang kahusayan sa pagmamakinilya na kalaunan ay unti-unting nag-transition sa computers.

"I Remembered my college days. 1996 1st year 1st sem typing subject. Di man ako magaling noon sa subject na yan... Naging steppingstone ko naman para matututong magcomputer. Wala mang nagturo sa akin well I must say marunong Naman ako ngayon... Noon lecture lecture lzng ang turo tapos nagbayad kmi ng lab. Yung computer room Nako display lang nun. 😅"

"Kaya ko pa rin kahit nakapikit. Magaling teacher namin nuon sa typing class."

"Ang type writer na yan ang nakatulong sa akin, kumikitang kabuhayan sa mga napapatype ng mga incomplete projects nila."

"Hindi namang ganyan s PUP Sta Mesa... Natuto nman and I could type @65wpm."

"1968-1972 PCC (now PUP) we were never blindfolded in any typing class. our eyes were focused on the paper being copied not on the keys. you are sure that your fingers are on the right keys from the start by placing your left index finger on "F" and right index finger on "J" (you would feel the embossed marks, like a hyphen symbol on those letters not present on other keys) they are called rest keys."

Kaway kaway sa mga daliring labis ang husay sa pagtipa!


Unsubscribe to no longer receive posts from Definitely Filipino News.
Change your email settings at manage subscriptions.

Trouble clicking? Copy and paste this URL into your browser:
https://news.definitelyfilipino.net/articles/2023/01/typing-noon-binalikan-ng-netizens/

Powered by Jetpack
Download on the App Store Get it on Google Play
at January 14, 2023
Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK

Read our latest blogs (curated for you) ...

  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...
  • Curated Articles For Today! - Planet Philippines UK
    Read our latest blogs (curated for you) ...

Search This Blog

  • Home

About Me

DavaoPlus
View my complete profile

Report Abuse

Blog Archive

  • July 2026 (12)
  • June 2026 (31)
  • May 2026 (28)
  • April 2026 (24)
  • March 2026 (30)
  • February 2026 (19)
  • January 2026 (25)
  • December 2025 (19)
  • November 2025 (26)
  • October 2025 (25)
  • September 2025 (30)
  • August 2025 (27)
  • July 2025 (32)
  • June 2025 (23)
  • May 2025 (25)
  • April 2025 (24)
  • March 2025 (28)
  • February 2025 (28)
  • January 2025 (31)
  • December 2024 (31)
  • November 2024 (31)
  • October 2024 (29)
  • September 2024 (725)
  • August 2024 (914)
  • July 2024 (1005)
  • June 2024 (921)
  • May 2024 (951)
  • April 2024 (1006)
  • March 2024 (1086)
  • February 2024 (1104)
  • January 2024 (1023)
  • December 2023 (872)
  • November 2023 (693)
  • October 2023 (684)
  • September 2023 (675)
  • August 2023 (712)
  • July 2023 (680)
  • June 2023 (501)
  • May 2023 (510)
  • April 2023 (470)
  • March 2023 (633)
  • February 2023 (606)
  • January 2023 (628)
  • December 2022 (664)
  • November 2022 (541)
  • October 2022 (564)
  • September 2022 (474)
  • August 2022 (450)
  • July 2022 (526)
  • June 2022 (427)
  • May 2022 (470)
  • April 2022 (487)
  • March 2022 (448)
  • February 2022 (377)
  • January 2022 (474)
  • December 2021 (827)
  • November 2021 (2395)
  • October 2021 (2399)
  • September 2021 (2768)
  • August 2021 (3157)
  • July 2021 (3138)
  • June 2021 (579)
Powered by Blogger.