Personal na nagpasalamat ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga sa mga netizens na patuloy ang pagbibigay sa kaniya ng suporta.
Sa ibinahaging vlog ni Alex ay sinabi niyang noong isang taon pa niya planong ilunsad ang bagong segment na "Dear Alex" kung saan tutuparin niya ang kahilingan ng kaniyang subscribers.
Para sa unang episode ay pinili ni Alex ang mga netizen na ang hiling ay makita siya at makapagpa-picture sa kaniya.
"Namili tayo ng limang e-mails na ang hinahanap nila is just to meet me. May mga ibang nag-request, meron namang mga ibang talagang gusto lang magpa-picture with me. So for today, tayo ay pupunta sa kani-kanilang mga bahay. Susurpresahin natin sila. Kunwari meron silang pre-interview at imi-meet natin sila," aniya.
Pinuntahan ni Alex ang ilan sa kaniyang mga taga-suporta mula sa Cavite, Rizal, Manila, at Taguig. Ibinigay niya rin ang hiling ng dalawa sa mga ito na magkaroon ng iPhone.
Paliwanag niya, simpleng paraan ito para pasalamatan ang mga taga-suportang kahit hindi niya personal na kilala ay gumagawa ng paraan upang ipadama ang pagmamahal sa kaniya.
"Ito ay way to personally thank you because I really do love you all. Maraming maraming salamat sa lahat ng netizens ko na nandiyan. Sa lahat ng mga replies n'yo sa akin sa last vlog, sa lahat ng mga nagreply na nandito pa rin po kami para sa'yo," sabi ni Alex.
"Nakakataba po kayo ng puso at maraming maraming salamat dahil alam ko na nandyan kayo, nagmamahal sa akin at tunay 'yung pagmamahal nyo kasi hindi ko naman kayo talaga kilala lahat, pero andiyan kayo at nagrereply para lang pagaanin yung nararamdaman ko kaya maraming maraming salamat."
Matatandaang inulan ng kritisismo si Alex noong kaniyang kaarawan matapos niyang pahiran ng icing sa noo ang waiter na may hawak ng cake niya.
Panoorin ang masasayang tagpo:
No comments:
Post a Comment