Maraming magulang ang makaka-relate sa isyu ng pagkagusto (o pag-ayaw) ng mga anak sa asignaturang Filipino sa eskwela.
Hindi napigilan ng isang ina na ibahagi ang kanyang saloobin sa social media tungkol sa isinulat ng kanyang anak sa test paper nito sa Filipino.
"Pinangarap ko naman talaga magka-anak ng nag-e-english! pero ang hirap po pala," aniya sa kanyang Facebook caption.
Ayon kay Libertie, ina ni Calix, nahihirapan ang kanyang anak sa pagbabasa ng wikang Filipino dahil Ingles ang gusto nitong diyalekto.
"2 years old pa lang po siya marunong na magbasa medyo advance 'yong utak niya pero English book po laging binabasa, nilalaro at pinapanood," aniya sa Pilipino Star Ngayon Digital.
Makikita sa larawan ang isinulat ng bata na "I hate Filipino."
Dagdag pa niya, Tagalog-Ilokano ang kanilang ginagamit na diyalekto sa pag-uusap sa kanilang tahanan.
"Hindi kami nag-e-English sa bahay, ganun din siya noon pero natuto siya dahil sa mga pinapanood niya. Malaking factor 'yong pinsan niyang US citizen na nakasama niya po for three weeks, since then ayaw na po niya mag-Tagalog."
Gayunpaman, natapos umano ng kaniyang anak ang naturang exam.
"Mababa lang po grade niya sa Sibika at Filipino pero matataas naman po sa mga subjects na English language."
Naka-relate naman ang ilang netizens sa anak ni Libertie dahil ganoon din ang naging karanasan ng kanilang anak.
"My son also hates Filipino, cried many times because of it pero he is always trying to learn kahit sobrang struggle niya."
"Proper guidance lang po 'yan and finding ways on how to make your child enjoy the lessons.. suggest ko po na more on visual lessons po since mas madali sa aming mga lalaki ang visual representation sa mga inaaral namin."
"Anyway, ang pagiging experto sa tagalog o ingles ay hindi sukatan ng talino."
Payo naman ng isa ay mas magandang turuan muna ang mga bata ng sarili nating wika.
"Kaya po mas importanteng turuan niyo muna 'yung mga anak niyo ng Filipino, pambansang wika natin."
"There's always room for improvement naman. As a parent you should guide and teach him as much as possible. It's gonna be hard at first, but it'll gonna be worth it in the long run."
No comments:
Post a Comment