Nabinyagan na ang anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na si Baby Amila Sabine noong Sabado, Pebrero 4.
Ni-repost ni Angelica sa kanyang Instagram Stories ang mga original post na ibinahagi ng kanyang mga kaibigan na dumalo sa binyag ng kanyang anak.
Kabilang sa mga celebrities na dumalo na ginampanan ang pagiging ninang ay sina Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, Kim Chiu, Bela Padilla, at Glaiza de Castro.
Kasama rin sa mga pumunta ang kaibigan niyang aktor na si John Prats kasama ang asawang si Isabel Oli.
Kaya naman makikita na matibay at tunay talaga ang friendship nina John at Angelica dahil sa mga importanteng kaganapan sa buhay nila ay naroon ang isa't isa.
Ninong din ito ni Amila at masayang ibinahagi naman ito ng aktor, "Yahoo!!! May inaanak na ako sa'yo Pets @iamangelicap. Pasensiya na at hindi ka muna importante ngayon. Si bean talaga ang nagpa-excite sakin. Congratulations @gregg_homan and @iamangelicap. Forever nandito ang pamilya ko para sa inyo! Love you guys!"
Welcome to the Christian world, baby Bean!
Samantala, kamakailan lamang ay muling nakasama ng aktres ang kanyang anak at si Gregg matapos nitong magpositibo sa COVID-19.
Sa isa niyang vlog, ibinahagi ni Angelica kung gaano kahirap para sa kanya na malayo sa kanyang pamilya lalo na at nagpapa-breastfeed pa siya sa kanyang anak.
"Medyo ang hirap lang ng sitwasyon kasi hindi ko maalagaan yung bata. Hindi ko mahawakan. Parang torture. Parang mas mahirap pa yun kaysa sa nararamdaman kong sakit. Pero kailangan magsakripisyo na ilang araw lang naman sana, na hindi ko makakasama, yung anak ko at saka si Gregg," sabi pa niya.
Matapos ang anim na araw at nagnegatibo na sa test ay masayang nakasama muli ni Angge ang kanyang pamilya.
Isinilang ni Angelica ang kaniyang baby na si Amila Sabine noong Setyembre 20 sa edad na 35.
No comments:
Post a Comment