[New post] Bobot, Pip at Boyet nagkasama sa ‘Some Kind of Valentine’ concert, hinatak sa audience ang Star for All Seasons Vilma Santos
Joyce Sazon posted: "Sa isang YouTube video ay ibinahagi ni Allan Diones ang nakatutuwang pagsasama-sama ng mga beteranong aktor na sina "Bobot, Pip at Boyet" sa isang concert at ang masayang 'paghatak' sa kasabayan nila sa industriya na si Vilma Santos na nasa audience. F" Definitely Filipino News
Sa isang YouTube video ay ibinahagi ni Allan Diones ang nakatutuwang pagsasama-sama ng mga beteranong aktor na sina "Bobot, Pip at Boyet" sa isang concert at ang masayang 'paghatak' sa kasabayan nila sa industriya na si Vilma Santos na nasa audience.
First night umano ito ng 'Some Kind of Valentine' concert ng mga veteran leading man na sina Christopher de Leon (Boyet), Tirso Cruz III (Pip) at Edgar Mortiz (Bobot) sa Newport Performing Arts Theater ng Newport World Resorts sa Pasay. Pebrero 3 at 4 naganap ang masayang pagsasama ng tatlo na nag-peak ang career noong mga 70's onward.
Hindi pangkaraniwan ang date night experience na ito dahil magkakasama nilang sinariwa ang masasayang nakaraan nila bilang mga matinee idols noon na bukod sa pag-arte ay mga mang-aawit din. Itinanghal nila ang mga old classics nina Barry Manilow, Frank Sinatra atbp.
Sa kanya namang Facebook page ay malugod na ibinahagi rin ng Star for All Seasons Ate Vi ang masayang sandali na naganap sa nasabing concert ng kanyang mga colleagues sa industriya ng showbiz.
Magiliw na shinare din ng ng actress-turned-politician at vlogger ang kopya ng naturang special segment. "Enjoyable night with my friends... Bobot, Pip and Boyet."
Matatandaan na napakaraming pelikulang nagawa si Vilma noon kasama ang kanyang mga naging leading men na sina Bobot (Vi & Bot loveteam), si Boyet at maging ang other half ng Guy & Pip loveteam.
Kitang-kita mo ang friendship nila sa ibabaw ng stage na parang walang maraming taon na nagdaan.
Game na game na pinagbigyan ni Vilma ang hiling ng tatlo na makasama siya sa "Ting Ting Tang Tang' dance challenge. Iba talaga ang Star for All Seasons; always ready to mingle and perform! Updated siya sa trending huh!
S'yempre pa, bumuhos ang papuri at kasiyahan mula sa mga netizens lalo na sa mga Vilmanians na ilang dekada nang nakasuporta sa ano mang proyekto nito.
"Iba talaga ang Star for all seasons wala ng kupas pagdating sa sayawan . Were so happy po na mkita kyong magkakasama. God bless at we love u Ate Vi.. Vilmanians forever."
"Wala ka pa ring kupas sa pagsasayaw Ate Vi.. So happy to see you with your leading men before.. love you all."
"Stunning Beauty, Stunning Talent and Best Character ang Idol namin, ang "Star for all season" Ate Vilma Santos! Napapasaya ang lahat! God bless po!"
No comments:
Post a Comment