Isang cellphone technician ang umani ng papuri mula sa mga netizenS at gayundin mula sa kanyang mga kasamahan matapos nitong tumulong sa isang estudyante.
Nagpagawa kasi ang batang estudyante sa kanya ng cellphone na hindi nagcha-charge.
Ibinahagi ni Ramer Fabia sa Facebook group na 'PinoyTechnician' ang kanyang engkwentro sa isang estudyante na humiling sa kanya na ayusin ang teleponong ginagamit nito sa kanyang pag-aaral.
Ayon sa kanya, hindi nagcha-charge ang telepono ng estudyante kaya sinabi nitong 400 pesos ang service fee nito.
"Sabi niya magkano daw pagawa ng cp na hindi nagcha-charge sabi ko 400," kuwento ni Ramer sa 'Pilipino Star Ngayon Digital'
Gayunpaman, sinabi ng estudyante na 20 pesos lang ang dala niyang pera at hindi niya kayang magbayad ng 400 pesos sa technician.
"Sabi niya wala daw siya ganon kalaking pera pinakita niya sakin laman ng wallet niya, 20 pesos. Ginagamit niya lang daw sa module online."
Buti na lang at nagpasya pa rin si Ramer na ayusin ang telepono at sinabihan ang estudyante na gamitin na lang ang kanyang 20 pesos at ipambili ito ng pagkain.
Nagpasalamat umano ang estudyante nang malaman na hindi na ito pinagbayad ni Ramer.
Ayon sa isang netizen, masipag daw magtinda ng balot at turon ang estudyante na si Pito.
"Mabait po 'yang bata na 'yan (Si Pito), pag may nabili sakin na shake at may palabis, napunta siya at tinatanong kung may labis daw kanya na lang na shake, masipag pa magtinda ng balot at turon."
"I salute you, sir Ramer F. Fabia. Godbless po sa kabutihang ipinakita niyo po dun sa bata. Sana maging inspirasyon po kayo ng ibang tao dahil sa totoo lang napakasarap makatulong sa kapwa nang walang hinihiling na kapalit."
"Wag sana maabuso para lalo pa dumami ang katulad mo. Baka gawing bagong trick 'yan. Gagamitin bata para maka libre. Anywaysss God bless po sa mga kagaya nyo. Hindi mapanlamang at kayang gumawa ng mabuti sa kapwa kahit walang kapalit."
No comments:
Post a Comment