Maraming viewers ang nalungkot sa pagtatapos ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra dahil mami-miss daw nila ang mga karakter at ang mismong serye, ngunit posible kaya na magkaroon pa ito ng sequel?
Sa Instagram post ng aktor na si David Licauco, napaisip ang ilang fans nang sabihin nito na "Fidel signing off...for now."
"Yesterday marks the end of Maria Clara at Ibarra, with that, I'd like to say thank you to everyone who supported the show for the past five months. To my MCI fam, I appreciate all of you. To GMA, thank you so much for giving me this once in a lifetime opportunity. It has been an absolute honor playing the role of Fidel. Lastly, to all the hardworking team behind the cam, I've learned a lot from each and everyone of you. I am forever grateful! Fidel signing off...for now," saad niya sa caption ng mga litratong ini-upload niya.
Dito, napatanong ang viewers kung posible kaya na magkaroon pa ng karugtong ang nasabing serye.
[RELATED - Muling pagkikita nina Klay at Fidel sa pagtatapos ng 'Maria Clara at Ibarra', kinakiligan]
Tambalang 'Filay'
Hindi inaasahan ang pagiging hit ng tambalan nina David at Barbie Forteza na Filay o ang pinagsamang pangalan ng mga karakter na ginagampanan nila sa nasabing serye na Fidel at Klay. Sa gitna ng popularidad nito, nakapanayam ng beteranong host na si Boy "Tito Boy" Abunda ang dalawa bago pa magwakas ang kanilang hit television program.
Isa sa mga tanong ni Tito Boy na kinakiligan ng madla ay kung posible kayang mauwi sa totohanan ang lahat kung walang kasintahan si Barbie na ngayon ay karelasyon ang isa pang Kapuso actor na si Jak Roberto. Ang "hypothetical question" na ibinato ni Tito Boy kay David, liligawan ba nito si Barbie kung nagkataong pareho silang single.
"I like smart, go-getter na babae, cute girls, simple lang," tugon ng aktor. "Gano'n si Barbie."
Dahil hindi naging malinaw kung "yes" o "no" ang tugon ni David, kinulit siya ni Barbie kung ano at sinabi naman nito na oo.
[RELATED - David Licauco liligawan ba ang ka-love team na si Barbie kung wala itong kasintahan?]
Pagkatapos ni David, tinanong naman ni Tito Boy si Barbie kung sasagutin ba naman nito si David kung sakaling hindi sila magkarelasyon ni Jak.
Tugon ng aktres, "Siguro 'pag mas nakilala ko pa siya deeper. 'Pag naging close siya sa family ko and all."
"'Yong talagang 'pag nalaman kung paano siya manligaw, maybe I'll have answer then. But now we're really good friends," pagpapatuloy pa ni Barbie.
No comments:
Post a Comment