Kahit saang panig man ng mundo, sadyang mapapansin at lilitaw ang husay ng mga PIlipino!
Isang 17-anyos na estudyanteng Pilipina ang nakasungkit ng kampeonato sa branch competition ng pagsasagawa ng monologo at pagbigkas ng soneto, na inilunsad ng "The English-Speaking Union Kansas City Branch" sa bansang Amerika noong Pebrero 19, 2023, kalaban ang halos 100 high school students na may iba't ibang nasyonalidad.
Ang naturang estudyanteng Pilipina na naninirahan sa US ay si Pierre Beatrix Madlangbayan, isang junior high school student mula sa Garden City High School, Garden City, Kansas, na sadyang mahilig sa pagganap at pagbigkas. Suportado naman siya ng kaniyang inang si Mimi Dabajo, isang guro ng asignaturang Science sa kaparehong bansa.
Dahil sa pagkapanalo sa competition ng Kansas, si Madlangbayan ang kakatawan sa kanilang branch para lumahok sa National Competition, na magaganap sa Abril 24, 2023. Bilang bahagi ng kaniyang pagiging kinatawan, wala na siyang gagastusin pagdating sa flight patungong New York City.
"Ms. Madlangbayan will receive an all-expenses paid trip to New York City to compete in the ESU National Competition on April 24, 2023 at Lincoln Center, where she will join more than 50 other contestants from around the country," ayon sa
Facebook post ng ESU.
"The ESU Kansas City Branch Competition judges were Sidonie Garrett, Executive Artistic Director of the Heart of America Shakespeare Festival, Melinda McCreary, Director of Education and Community Programs at Kansas City Repertory Theatre, and Mark Robbins, a professional actor and director with more than 170 professional roles to his credit."
"Ms. Madlangbayan's First-Place prize package from the ESU Kansas City Branch includes a check for $150, a full scholarship to the Shakespeare Exploration Camp offered by the Heart of America Shakespeare Festival, a Certificate of Appreciation, and an engraved First Place Medallion."
Ayon sa panayam ng
Balita sa ina ni Madlangbayan na si Mimi Dabajo, masayang-masaya siya sa nakamit ng kaniyang anak.
"May she continue to improve her craft and hone her God given skills and talents. She was blessed with excellent teachers, coaches and mentors, who have inspired and trained her well, I hope that she will be able to pay it forward in the future," aniya.
"Good luck in all your upcoming competitions! Make our beloved Philippines proud!!!!" dagdag pa.
Sa comment section ng Manila Bulletin ay marami nang nagpaabot ng pagbati sa kaniya ngayon pa lamang.
Masungkit nga kaya ni Madlangbayan ang kampeonato? Abangan natin at ipanalangin natin ang kaniyang pagkapanalo. Good luck, Pierre Beatrix!
No comments:
Post a Comment