Masayang ibinahagi ni Gary Valenciano sa kanyang social media account ang kanilang bagong miyembro ng pamilya --- ang kanyang apo!
Malugod na tinanggap ng singer ang kanyang pangalawang apo na si Luchiano — ang anak ni Paolo Valenciano at ng kanyang asawang si Samantha Godinez.
Nag-upload si Gary ng heartwarming photo nila kasama si baby Luch sa ospital.
"Well hello there!" pagbati ng Mr. Pure energy sa kanyang apo.
Ayon kay Gary, ang palayaw ni Luchiano ay Luch ngunit mas gusto niyang tawagan ang sanggol na Luc o Luke dahil ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ay si Leia.
"His name is really Luch which is short for Luchiano. But I think I'll call him Luc as in Luke," anito.
Sinabi rin nito na hinihintay na ang sanggol ng kanyang ate, "Your sister Leia awaits at home."
Nangako ang singer kay Luch na lagi siyang nandiyan para sa kanya at sa kapatid na si Leia.
"I can't wait to carry you and tell you many stories about the greatest force in the universe…the love of God!!! I know this force will be strong in you. Pappie is here for you just like I'm here for your sister Leia."
"I thank the Lord for you. I love you Luc," sabi pa nito. "I am your grandfather!"
Bumuhos ang pagbati at pag-welcome mula sa mga followers at kaibigan nito para sa pangalawang apo ng host.
"Lol! Star Wars pa rin ang reference! At least consistent and family! Hahaha! Congratulations!"
"Love this message"
"Congratulations to you and Angeli!!!"
"Paaapppiiieeee again round 2!! Woohoo!! Congratulations!!!! Cant wait to meet him!!"
Si Gary Valenciano ay isa sa mga pinakasikat na OPM artist at isang television host sa Pilipinas. Kilala siya bilang "Mr. Pure Energy" para sa kanyang masigla at matinding pagtatanghal.
Siya ay kasal kay Maria Anna Elizabeth "Angeli" Pangilinan, ang kapatid ni Senador Francis Pangilinan. Mayroon silang tatlong anak: sina Paolo Valenciano, Gab Valenciano, at Kiana Valenciano.
No comments:
Post a Comment