Natapos na ang teleseryeng #MariaClaraAtIbarra makalipas ang apat na buwan at 105 episodes, pero ang mga masugid na sumubaybay ay hindi pa handang manahimik dahil sa bagsik ng epekto nito sa mga tumangkilik.
Ang television drama fantasy series na handog ng GMA Network na hango sa mga nobela ni Gat Jose Rizal ay naghatid ng kaaliwan at pumukaw sa kaisipan ng marami. Mahirap pang bumitaw sa mga karakter at sa mga sinisimbolo nila na siya namang naging layunin ng dalawang aklat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Idagdag pa riyan ang ilang eksena na labis na umaliw at naghatid ng good vibes sa mga manonood gaya na lang ng nagte-trending ngayon na eksena nina Klay at Fidel (Barbie Forteza at David Licauco) kung saan umagaw ng pansin ang 'Magic Sarap' na paboritong sangkap ng maraming Pinoy sa kanilang lutuin. hahaha
Ang "all-in-one seasoning made with fresh onion, garlic, and other spices" ay dinala pala ni Klay sa kanyang pagbabalik sa aklat? Grabe! Kaya yata niya nabihag lalo ang puso ni Fidel?
Nagbahagi ng screenshots sa social media ang maraming netizens mula sa episode na inilabas nitong February 24.
Sa eksenang ito ay ipinagluto ni Klay si Fidel at makikitang tumayo ito at kumuha ng mahiwagang sangkap sa kanyang bag at naglagay nito sa kanyang niluluto.
Ang sabi ni Fidel dito, "Tila bumubuti na ang aking pakiramdam. Ngayong pinagmamasdan kita na tila ipinagluluto ako ng aking pinakamamahal na asawa..."
Nasarapan naman si Fidel sa kanyang niluto, na aniya'y napakasarap, kaya sabi ni Klay, "mabuti na lang talaga at nagdala ako ng magic na pampasarap."
Nagbahagi din sa kanyang Facebook page si David Licauco ng isang larawan nila na kuha sa eksenang ito. Aniya, "ILY Goodbye".
Ayon sa mga komento ng netizens sa mga nagkalat na post ng eksenang ito:
"Ang nagmamahal nagma-maggi'"
"I love you goodbye was brought to you by MAGGI MAGIC SARAP,"
"Magic Sarap! Talaga lang ha! You took advantage of our excitement! What a cheeky way of advertising!"
"Nabiglaa ako bat may Magic Sarap ehh wala namang siyang dala nang manghanda siya ng dadalhin niya sa mundo ng EL FILI..."
"Nung papunta na siya sa Luneta Park dumaan muna sa may tindahan para makabili "
[Eto, kinunan ko na sa cp ko para hindi na kayo mahilo maghanap kung nagkataong na-miss n'yo nang mag-CR kayo. hahaha]
Basahin: Muling pagkikita nina Klay at Fidel sa pagtatapos ng 'Maria Clara at Ibarra', kinakiligan
Muling nag-trend ang #MCIMgaAralAtPangarap sa huling linggo nito at sa pangunguna ni Barbie Forteza ay nagpaabot sila ng pasasalamat sa mga tumangkilik hanggang sa dulo.
But wait, bakit nabanggit pa ang 'Ibong Mandaragit? sa huling episode' Karugtong daw ito ng El Fili?
Sabi nga ni Anassor Ognolino, "Overthink malala. Walang magmomove on." Ibig sabihin, gusto pa ng mga suki ng karugtong, GMA!!!
No comments:
Post a Comment