Inaksyunan na ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Adminsitration (OWWA) ang nasa likod ng survey na may kaugnayan sa personal na buhay ni Executive Director Arnell Ignacio na ibinahagi mismo sa opisyal na Facebook page ng ahensiya.
Nagtaka ang maraming netizens at OFWs nang maglabas ng FB poll ang OWWA na may kaugnayan sa lovelife ni Ignacio.
"Mga Kabayan OFWS payag ba kayo muling mag mahal ang puso ni OWWA Admin Arnell Ignacio [?] Kaya comment na type YES kung payag kayo. Type NO naman kung hindi," nasasaad sa post.
Binura naman agad ito ng OWWA sa kanilang Facebook page at nitong Biyernes, Pebrero 3, nga ay nagpaliwanag si Ignacio.
"This young, aggressive social media practitioner was reprimanded already," ani Ignacio sa isang press briefing.
"It was all in good intention, kaya lang nilagay niya sa official page," dagdag pa ng opisyal.
Ayon pa sa OWWA chief, binabalasa na nila ang team na may hawak ng social media page ng OWWA at gagawan ng kaukulang aksiyon ang insidente.
"We have addressed this…and when I say we all need the right information, hindi kami exempted roon. Kasali kami roon. That is why took it down already," saad pa ni Ignacio.
Nag-post na rin ng disclaimer ang OWWA at sinabing 'nagkamali' lang ang sinumang nagbahagi sa kanilang page ng tungkol sa personal na buhay ng kanilang hepe.
"The FB post containing the personal concerns of the OWWA Administrator was errouneously posted on the Official Facebook Page of OWWA," wika nito.
"Appropriate action has been taken. Thank you," dagdag pa ng disclaimer.
Panawagan naman ni Ignacio, mas maraming mahahalagang bagay sa OWWA dapat na tutukan ng publiko at hindi ang katulad ng naturang post.
No comments:
Post a Comment