Isang "couple's goal" na maituturing ang magandang samahan ng mag-asawang sina Beauty Gonzalez at Norman Crisologo, ngunit aminado ang aktres na hindi niya sineryoso ang panliligaw ng kanyang mister noong una.
Sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda, natatawang binalikan ni Beauty ang pagsisimula ng ugnayan nila ni Norman.
"We were e-mailing each other and I didn't take it seriously. Kasi nandoon siya sa Paris tapos ako napapagod nang mag-reply ng English, ang haba-haba. Magche-check pa ako sa Pinterest, pakopya-kopya. Nakakapagod mag-isip, oy, 'di ba?" aniya.
Ngunit nang imbitahan siya ni Norman sa Paris at nakita niya kung gaano ito kabuting tao, "Wala na, Tito Boy, wala na. Hindi ko masabi, baka ma-bleep pa ako sa TV…hindi na kami naghiwalay."
Para kay Beauty, hindi nasusukat sa tagal ng pagsasama ang isang relasyon.
"Hindi ako naniniwala sa ganoon, e. Ako, feeling ko when I met Norman, I know this guy," kuwento niya. "That's why I feel beautiful and I feel okay with myself because I know, I don't need to ask permission from him. He allows me to work, he allows me to do anything. He allows me to be a woman. And I'm not scared because I know that no matter what happens, he's always gonna be there, whether it's bad or wrong, he's ready to hold my hands, no judgment."
Magkatuwang naman sina Beauty at Norman na gumagabay sa kanilang anak na si Olivia Ines, na nagpahayag na rin ng kagustuhan na sumunod sa yapak ng ina. Pagbabahagi ni Beauty sa isang naunang interbyu, suportado niya ang anak pero may mga kondisyon din.
"Sabi ko sa kaya, 'Kung kukunin ka lang [ng mga producers and directors],'" saad niya. "Ayoko naman 'yong ipeipresenta ko. Ayoko rin na ako 'yong magdadala sa kanya [sa mga auditions and casting calls]. Kung kukunin siya, why not? And she did a few commercials already."
[RELATED-Beauty Gonzalez suportado ang anak sa pangarap nitong mag-artista]
"Yeah, kung kukunin lang s'ya. If she looks good [on TV]. I mean, if she has the talent and she looks good, why not? But of course, I have to ask my husband kasi it's not only my decision so it also depends sa kanya, kay Norman," wika niya. "Pag kinukuha lang talaga siya. Priority n'ya 'yong…not really studies [but] family, kami as family kasi 'yon 'yong importante, e. Make memories with your family. Studies, she can do well in school. Okay na sa akin 'yong papasa, not really 'yong sobrang talino. Ang importante 'yong family time and mabait siya sa kapwa n'ya tao."
Narito ang panayam ni Tito Boy kay Beauty:
No comments:
Post a Comment