Isang 34 anyos na overseas Filipino worker (OFW) sa Dubai ang nagwagi ng 15-M Dirhams o mahigit P200-M bilang grand prize sa ginanap na Emirates Draw EASY6.
Kuwento ni Russel Reyes Tuazon sa Gulf News noong nakaraang linggo, natutulog siya at halos hatinggabi na nang matanggap ang tawag tungkol sa kaniyang pagkapanalo dahil pang-araw ang kaniyang trabaho.
"I was stunned; the news was overwhelming. I immediately called my wife but it was still around 4am in the Philippines and she only answered my call after several attempts," bahagi ni Russel.
"She too was shocked. She thought I had gone crazy but I sent her a screenshot of the email notification and she finally believed me," dagdag pa ng Pinoy store manager sa Dubai.
Ilang araw na ang nakararaan simula nang siya ay manalo subalit inamin ni Russel na hindi pa rin siya makapaniwala sa magandang kapalarang natanggap.
"I'm an introvert person. I don't usually hang out and I'm not active on social media. My life will definitely change when this news of me winning will come out," wika niya.
Malaki ang pasasalamat ni Russel sa Emirates Draw dahil magagamit niya umano ang napanalunang pera para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.
Plano niya raw magtayo ng negosyo na may kinalaman sa kaniyang kasalukuyang trabaho sa food and beverage industry subalit pinaplantsa pa niya ang detalye.
Samantala, ang lumabas na numero na kaniyang tinayaan, na 6-29-34-17-22-25, ay mula sa kaniyang paborito na kumbinasyon ng mga petsa ng kaniyang kaarawan, ng kaniyang anak, at ng nakatatandang kapatid at nanay.
"It's also 15-15-15 for me. I bought the ticket for Dh15, and won Dh15 million on my 15th year living and working in Dubai," dagdag pa ni Russel.
Taong 2008 pa nang pumunta si Russel sa Dubai upang magtrabaho sa isang hotel. Nagsimula siya sa pagiging staff hanggang sa ma-promote sa mas mataas na posisyon bago niya nakilala ang kasalukuyang employer na inalok siya para maging store manager.
Inamin niya rin na hindi naging madali sa kaniya ang naging buhay noon sa Dubai subalit ngayon ay naniniwalang ito na ang simula ng kaniyang magandang kapalaran.
No comments:
Post a Comment