Masayang ibinahagi ng aktor na si Jomari Yllana ang ilang mga larawan ng kanyang mga pamilya kasama ang angkan ng kanyang nobyang si Abby Viduya kaugnay sa naganap na pamamanhikan
Ipinost ng aktor ang ilang litrato sa kanyang Facebook account at finlex ang old style na pamamanhikan.
"Yllana - Viduya #callmeoldfashioned #pamamanhikan #ilovemyviduyafamily #ilovemyyllanafamily," saad ni Jomari sa kanyang post.
Sa Paranaque ginanap ang simpleng salo-salo nang hingiin ni Jomari ang kamay ni Abby sa pamilya ng huli nitong Pebrero 26.
Nag-post rin naman si Abby, "Yllana-Viduya Family. The sweetest thing my husband to be has ever done is ask my Mom for my hand in marriage. I love you so much #pamamanhikan #bridetobe #loveyourfamily."
JOMARI AND ABBY LOVE STORY
Unang naging magkarelasyon sina Jomari at Abby noong mid-'90s nang pareho pa silang aktibo sa showbiz, ngunit ang young lovers nauwi rin sa hiwalayan.
Makalipas ang halos tatlong dekada, muling nagkabalikan ang dalawa; taong 2019.
Basahin: Jomari Yllana, Abby Viduya kasal na nga ba o ikakasal pa lang?
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan na ang magkasintahan ay ikinasal na raw.
Kung ang pagbabasehan ay ang mga post ni Jomari sa kanyang Instagram account at ang mga tugon ni Abby dito, mahihinuha mong pinag-isang-dibdib na nga ang dalawang celebrity na diumano'y first love ang isa't isa noong sila ay 15-anyos pa lamang.
"With my gorgeous wife" ang post ni Jomari noong Disyembre 18 habang nasa tabi niya sa litrato si Abby.
Sa isang ulat ng PhilStar Global noong Nobyembre, naibahagi ni Jomari na nais na niyang pakasalan si Abby. "I want to marry Abby before I end my term as councilor," aniya. I don't know where destiny will lead me in politics. This is my last term as councilor. We are both pacing ourselves when is the best time to tie the knot and where. But we both agreed to settle down. After all, we are not getting any younger."
No comments:
Post a Comment