Marami rin sa atin ang mayroong mga 'humble beginnings' na tinatawag.
Ito 'yung nakaraan mo na ubod ng simple; may payak na bahay na yari sa mga murang materyales, may halaman sa ilang paso o lata para pagandahin ang paligid, may kusina na yari sa kahoy sa labas ng kubo, may kalang bato na kahoy ang panggatong at may poso o kaya'y balon malapit sa tirahan.
Ito 'yung panahon na inilarawan ng Facebook page na Sulyap sa Nakaraan sa pamamagitan ng isang litrato ng payak na bahay na may balik-tanaw na paglalahad.
"Nakapagwalis na ng bakuran si inay.. Nakapagdilig na rin ng halaman.. Marahil nasa balon na naman, naglalaba.
Maya-maya maghahanda na naman para sa kakainin namin sa tanghalian.. Bago mag-alas dose ay dadating na kami galing eskwelahan.
Nakakamiss ang pag-aalaga ni nanay. Nakaka-miss muling alalahanin ang buhay noong mga bata pa tayo.. "
Mapapa-sentimental journey ka talaga sa mensahe ng kanilang FB post kung naranasan mo ang payak ngunit masaya at puno ng magagandang alaala na nakaraan. Patunay ang mahigit 8,400 na komento, 217K na pusong reaksyon at lampas 15K shares na hinakot ng photo story nila.
Humaplos sa damdamin ng marami ang mga alaalang ibinalik ng payak na larawan at senaryo. Malayo man ang narating ng marami sa atin, nakapagpundar man ng malalaking bahay na may magagarang disenyo at tunay na makabago, ang payak ngunit masayang buhay noon na humubog sa ating pagkatao ay mananatiling may espesyal na lugar sa ating puso.
"I remember my nanay teaching us how to clean cook washing clothes we have to do our chores still doing what I learned from my parents, I love the memories."
"I love that kind of story, i remember our house before ang saya ..."
"I remember those days Yung nakakamis din ang bahay na pawid lang napaka presko sarap matulog kahit tanghali o hapon."
"Yes! I love remembering all those days eating at the floor using lampara at the center, early in the morning we usually eat corn drinking native coffee, fresh fish vegetables at floor again for lunch. I always treasure all those days."
"I remember Ang aming ina napakasipag 5 o'clock ng umaga magtitinda na ng mga gulay sa palengke. Pag uwi magluluto. After makakain rest Muna konti maghahanap na uli ng matitinda kinabukasan. Mabuti naman at napaka sipag magtanim ang aming ama ng gulay na pananim, pag ani yun ang ititinda ng aming ina. Pati kami magkapatid ay natuto magsikap sa buhay. Tnx GOD."
No comments:
Post a Comment